Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Julia Montes, buntis nga ba o hindi?

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang diumano’y pagbubuntis uli ni Julia Montes sa ika-apat daw na pagkakataon.

Marami ang naloloka sa balitang ito lalo’t wala naman ngang anunsyo mula sa partner ni Coco Martin at mas lalong wala din namang napapaulat kung ilang anak meron na sila?

Minsan lang nagkaroon ng sapantaha o mga hula-hula ang mga tao nang batiin sila minsan ni Willie Revillame sa programa nito noong 2023, pati umano ang “mga anak” nila ni Coco.

Sometime in 2024 din, sa parehong showbiz program noon ng kilalang showbiz publicist na si Ambet Nabus ay nadulas din ito sa pag-aanunsyong naimbitahan din siya sa isang okasyon kung saan personal niyang narinig na binibigyan ng instructions ang mga yaya ng “mga anak” nina Coco at Julia na noo’y mga babies pa.

Sa programa naman ng pamosong si Cristy Fermin kamakailan lang ngayong April ay nagbalita naman itong may nalaman din silang tsismis na nasa interesting stage uli umano si Julia. May mga nag-claim lang daw as per Cristy’s source na ito na diumano ang ika-apat nitong pagbubuntis.

Although lumantad na nga sa publiko sina Julia at Coco ng kanilang estado bilang partners, tahimik pa rin ang mga ito sa isyu ng kanilang mga anak.

Lumakas lang ang mga bulungan at ugong-ugong sa showbiz nang sa ikatlong pagkakataon ay naunsyami na naman ang pagsasa-ere ng SIGABO, ang action-comedy series na pagsasamahan nga nina Coco at Julia.

Ito yung series na dapat ay papalit sa nagtapos ng Ang Probinsyano sa Kapamilya channel pero naibigay nga ang timeslot sa series nina Kim Chiu at Paulo Avelino na The Alibi na balitang malapit na ding magtapos. 

Then, balitang ookupahin na din ang nasabing timeslot ng Blood vs Duty series nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson dahil hindi pa nga available ang SIGABO.

May mga usap-usapan ding baka diumano palitan si Julia kung totoo ngang ito’y nasa kondisyon ng pagbubuntis.

Nitong mga nakaraang linggo ay nag-viral naman ang photos nina Coco at Julia sa socmed habang may hawak silang mga “beer” (San Miguel Beer) to dispel daw the rumors na buntis nga ang aktres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles