Katulad ng limang naunang “Sexbomb Get Get Aw Concert”, naging jam packed din ang last “rAWnd” concert ng OG girl group sa bansa.
Sinasabing record-breaking nga raw ang naitala ng Sexbomb.
Kung matatandaan, dapat ay sa New Front Theater lang magko-concert ang grupo ni Rochelle Pangilinan noong December 4 last year pero dahil agad itong na-sold out ay inilipat ito sa Araneta Coliseum na mas malaking venue.
Lumipat naman sa SM MOA Arena ang nasabing concert noong 2nd round nito last December 9, 2025, dahil pa rin sa dami ng mga nagnanais silang mapanood.
Sinundan ito ng tatlo pang magkakasunod na gabing sold-out shows noong February 6, 7 at 8 ngayong taon.
Masaya ang fans na uliting panoorin itong rAWnd 6 dahil ibang-iba ang show na napanood nila sa first 5 rounds ng concert.
May mga nakatakda ding shows abroad sa kabuuan ng taon at gaya ng inaasahan ay marami nga ding mga inquiries at advance booking for the said shows.
Pagpapatunay lamang na matindi din talaga ang nagawang pangalan ng SexBomb at hindi maikakailang sila nga ang original na girl ng bansa.


