Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UST, FEU 4-0 na sa UAAP 3×3 boys’ basketball

Nanatiling walang talo ang University of Santo Tomas (UST) matapos payukuin ang Ateneo de Manila University, 22-16, sa UAAP Season 88 Under-19 boys’ 3×3 basketball sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City nitong Hwebes.

Nagbuslo si Joaqui Ludovice ng 13 puntos upang pangunahan ang Tiger Cubs na 4-0 na.

Isang panalo pa at pasok na ang UST sa semifinals.

Nagdagdag ng tig-tatlong puntos sina Kirk Cañete, Jettlee Melano at Charles Esteban para sa UST.

Magkakasalo naman sa ikalawang pwesto (3-1) ang De La Salle-Zobel (DLSZ), National University-Nazareth School (NUNS) at Far Eastern University-Diliman (FEU-D).

Wagi ang DLSZ kontra Adamson University, 21-18; NUNS laban sa University of the East, 21-15; at FEU-D kontra University of the Philippines Integrated School, 21-10.

Sa panimula ng girls’ division, tagumpay ang NUNS laban sa Ateneo, 21-9, at tinalo ng UST ang DLSZ, 16-10.

Kasalukuyang lider ng women’s division ang UST (5-0).

Sa boys’ U-16 category, wala pa rin talo ang FEU-D (4-0) matapos ungusan ang UE, 20-16.

Nagtulong naman sina Dave Regala at CJ Tabbuga sa pamamagitan ng 15 puntos para magulpi ng UST ang DLSZ, 22-8.

Umakyat sa No. 2 ang UST na mayroon ng 3-1 kartada.

Samantala, ginulantang ng NUNS ang defending champion na koponan ng Ateneo, 21-16, at tinalo ng  Adamson ang UPIS, 21-9.

Pare-parehong 2-2 ang DLSZ, NUNS, Ateneo at Adamson.

Sinalo naman ng UST Growling Tigers ang lahat ng kamalasan sa men’s 3×3 matapos ang magkasunod na pagkatalo sa UP Fighting Maroons, 19-21, at Ateneo Blue Eagles, 17-21.

Wala pa rin panalo ang UST matapos ang limang laro.

Nangunguna ang Ateneo (5-0) at umangat ang UP sa 3-2.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles