Ipinamahagi na ng Philippine Sports Commission ang cash rewards ng mga nag-medalya sa 13th ASEAN Para Games sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila nitong Martes.
Umabot sa PHP11 milyon ang cash incentives para sa mga nag-uwi ng medalya mula sa pagtitipon sa Thailand noong Enero.
Sa ilalim ng Republic Act 10699 (National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act), PHP150,000 ang para sa gold, PHP75,000 sa silver at PHP30,000 para sa bronze.

“Despite the times of the energy crisis and all, today is the day that we celebrate the honor and glory of all athletes, and the pride that you gave to all Filipinos. This is the first time after so many years that we placed fourth after years of fifth and sixth place finishes,” ani Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo sa kanyang speech.
Thailand ang nanguna sa ASEAN Para Games na nag-uwi ng 175-155-158 gold-silver-bronze, sinundan ng Indonesia (135-144-114), Malaysia (64-64-73) at Pilipinas (45-37-52).
Athletics ang may pinakamaraming ginto (16), na sinundan ng swimming (13) and chess (12).
Si FIDE Master-elect Darry Bernardo ang nag-uwi ng pinakamaraming ginto (6) samantala si 2024 Paris Paralympian sAngel Otom ay nanalo ng 5 golds isang silver sa swimming.
Ipinangako naman ni Senator Christopher Go, na chairperson ng Committee on Sports, na naghain na sya ng batas para magpantay ang insentibo ng lahat ng atleta.
Sa kasalukuyan, kalahati lamang ang nakukuha ng para-athletes kumpara sa able-bodied athletes.


