Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra sigurado na sa PBA Commissioner’s Cup q’finals

Nasungkit ng Barangay Ginebra ang isang quarterfinals ticket matapos ang 119-107 panalo kontra Titan Ultra sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City noong Linggo.

Sina Justin Brownlee, RJ Abarrientos, Scottie Thompson, Troy Rosario at Stephen Holt ang nagdala sa Kings sa susunod na round.

Sa ngayon, kasama ng Ginebra (7-2) ang Rain or Shine (8-1) and NLEX (7-2) sa Last Eight.

May twice-to-beat incentive ang magtatapos sa top four.

“That’s what we’ll gun for,” ani Ginebra coach Tim Cone.

Susunod nilang makakaharap ang Meralco sa May 1, Rain or Shine sa May 3 at TNT sa May 10, ngunit hindi sigurado kung masasamahan na sila ni Japeth Aguilar.

Ang 6-foot-9 na si Aguilar ay nasa ospital pa matapos lumagabog nang makabangga ang import ng Blackwater na si Robert Upshaw sa laro nila noong Biyernes.

Wagi ang Kings, 115-108, kahit minalas si Aguilar wala pang dalawang minuto sa pasimula ng fourth quarter.

Hinihintay ang resulta kung may trauma sa baga si Aguilar, bagama’t siguradong wala itong butas at wala rin rib fracture.

Lubog naman ang Titan Ultra sa 2-7 at lalong lumabo ang pag-asa na makarating sa playoff.

Umiskor si Brownlee ng 35 puntos, nakakuha ng siyam na rebound at may apat na assist.

Sa unang laro, nagpakitang gilas agad ang pamalit na import na si Donovan Smith at pinamunuan ang Converge na tambakan ang Phoenix, 130-103.

Naglaro na walang import ang Phoenix dahil may ankle sprain si James Dickey III.

Nagtala si Smith ng 32 puntos at may 12 rebounds.

Umakyat ang Converge sa 4-6, kalahating laro mula sa magkapatid na No. 7 na San Miguel at Magnolia, parehong 4-5.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles