Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sanya Beach Games: Gilas women 3×3 walang talo; women beach volley sa Last 8

Wagi ang Gilas Pilipinas 3×3 women sa unang dalawang laro nila sa 6th Asian Beach Games sa Sanya Sports Centre Gymnasium sa China noong Sabado.

Unang tinalo ng Pilipinas ang Indonesia, 15-11, sa pagsisimula ng labanan Group C. Sinundan ito ng 21-9 panalo kontra Macau.

Susunod na makakalaban ng Pilipinas ang Kyrgyzstan sa Lunes.

“We have a different line-up and we have different strengths,” ani Cacho. “We have to adjust our game, also our defense.”

Mayroon din 2-0 record ang Gilas men’s team.

Samantala, pasok din ang Pilipinas sa quarterfinals ng women’s beach volleyball matapos durugin nina Sunnie Villapando at Grydelle Matibag sina Yekaterina Ryukhova ant Kristina Karimova ng Kazakhstan, 21-8, 21-8, sa Tianya Haijiao Venue Cluster.

Naitala ng Pilipinas and 3-0 record upang umabante sa round of 8. Unang tinalo ng mga Pinay ang Kazakhstan at Mongolia.

Sa aquathlon (2.5-km run, 1-km swim, 2.5-km run), pang-lima ang Team Philippines sa mixed relay event matapos magtapos sa isang oras, limang minuto at 26 segundo sina Kim Remolino, Erika Burgos, Raven Alcoseba at Inaki Emil Lorbes.

Sa kasalukuyan, may tatlong ginto na ang Pilipinas mula kina Alexandria Enriquez at Annie Ramirez ng jiu-jitsu at Leonard Grospe ng high jump.

Nangunguna ang China na may siyam na ginto.

(Photos courtesy of POC)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles