Tiklo ang isang national-level Most Wanted Person ng Philippine National Police (PNP) sa General Santos City sa isang manhunt operation na isinagawa bandang 12:40 AM noong April 25 sa Barangay Apopong.
Ayon sa ulat, ang 45-anyos na lalaki ang inaresto matapos ang “coordinated operation involving local police units and intelligence operatives, following a validated tip.” Nasa listahan siya bilang “National Level Most Wanted Person with a ₱250,000.00 reward under the Department of the Interior and Local Government (DILG) reward system.”
Mabigat ang mga kasong kaharap ng suspek. Kinumpirma ng mga awtoridad siya ay may “56 counts of murder, along with an additional separate murder case, all issued by Quezon City court, with no bail recommended.”
Matapos ang pag-aresto, sinabi rin sa ulat na dinala muna siya sa ospital dahil para sa medical examination bago ang kanyang detention sa isang custodial facility. /Bistado


