Opisyal ng humarap sa media ang cast members ng The Good Doctor, na pinoy adaptation ng South Korean medical hit series na may parehong title.
Co-production ng CreaZion Studios at MediaQuest, ngayong kalagitnaan ng 2026 ito aarangkada sa Kapatid network, TV5.
Pagbibidahan ito ni Inigo Pascual na aminadong na-challenge sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng dalawang produksyon.
“I can only be very grateful and thankful for the opportunity. Sino ba naman ako para tumanggi? This is once in a lifetime role, na naging phenomenal sa South Korea, here in the Philippines and even in some countries,” pahayag ng anak ni Piolo Pascual.
Gagampanan ni Inigo ang isang batang doktor (Dong) na may “savant syndrome” whose exceptional instincts and compassion set him apart.
Bongga ang mga makakasama ni Inigo sa kanyang kauna-unahang serye sa TV na siya ang pinaka-bida.
Nagpasilip ng ilang behind the scenes photos ang TV5 sa pangunguna ni Inigo, kasama sina Janella Salvador, Gabby Padilla, Mylene Dizon, Gelli de Belen, James Blanco, Matet de Leon, Jeffrey Tam, at Macoy Dubs sa kanilang look test.
Makakasama din sa series sina Sue Ramirez, Tony Labrusca, Ryan Agoncillo, Dylan Menor at Pearl Gonzales.
Abangan ang kanilang serye sa TV5!
#TheGoodDoctor has been adapted in several countries, including the United States, Japan, Turkey, and Hong Kong.


