Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Leni, urong sa national sa 2028; tutok sa 2nd term bilang Naga mayor

Nilinaw ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa anumang national post sa 2028 elections at mananatili ang kanyang pokus sa pamamahala sa Naga City.

Sa panayam sa RMN dwNX Naga nitong Abril 21, direkta niyang inihayag ang kanyang desisyon.

“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi na ako mag-nasyonal,” ani Robredo.

Sa halip, inihayag niya ang planong ipagpatuloy ang kanyang pamumuno sa lungsod sa pamamagitan ng pagtakbo muli bilang mayor.

“Ako, most probably, magsi-seek pa ako ng second term,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Robredo na malayo sa kanyang plano ang pagbabalik sa national politics.

“Layo na sa horizon ko na mabalik ako sa national,” aniya.

Sa kabila ng mga panawagan mula sa ilang sektor para muling sumabak sa national elections, sinabi ni Robredo na nananatili siyang nakatuon sa mga kailangang gawin sa kanyang lungsod.

Huling sumabak si Robredo sa national post noong 2022 presidential elections kung saan tinalo siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Matapos nito, bumalik siya sa lokal na pulitika at tumakbo bilang mayor ng Naga noong 2025.

Nagwagi siya sa naturang halalan at naging kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles