Magbabalik sa paggawa ng serye si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa “Behind Closed Doors” at makakasama niya rito ang director na si Dominic Zapata.
Sey ni Marian, halos lahat ng kanyang iconic roles ay dinirek ni Direk Dom, na ninong ng kanyang anak.
“Finally reunited kaming dalawa dito, at masarap siguro na ang mag-direct sa’yo yung kilalang kilala ka. Sobrang excited ako to work with Direk Dom again. Finally, after two years guys, I’m back!”, sambit pa ni Marian.
Isa ang Behind Closed Doors sa inaabangang collab project ng GMA Network at Prime Video.
Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang karakter na gagampanan ng Kapuso actress.
Sey ng ilang netizens “Excited na ako kay Marian sa karakter niya bilang mistress kasi puro siya yung bida at mabait maamo ngayon naman kakaiba yung eksena niya, napaka-exciting talaga!”.
Matapos ang kanyang back-to-back awards bilang Best Actress sa “Balota”, mas inaabangan ang pagbabalik ni Marian lalo na’t isa sa mga bagong role na kanyang gagampanan ay bilang journalist–isang role na para sa kanya ay kailangan pa niyang aralin. Abangan iyan soon sa GMA and Prime Video.
Still speaking of Marian, tinawanan lang nito ang tsismis na diumano’y kailangang mag bigay siya ng blessing sa sinumang magiging leading lady ng kanyang esposong si Dingdong Dantes.
Muli kasing magkakasama sa paparating ding action-series na Master Cutter si Dong at leading lady niya uli ang maganda at seksing si Max Collins.
Napabalita kasi na kinailangang magbigay pugay ang sinumang aktres na makakatrabaho ang Primetime King sanhi ng pagiging ‘selosa’ diumano ni Marian.
Subalit tawa at ngiti lang ang isinukli ni Marian sa mga naglalabasang intriga dahil hindi nga naman malaking isyu ang naturang usapin lalo’t mayroon silang magkaibang career path ng asawa.


