Painit nang painit ang mga eksena sa “Apoy sa Dugo” sa GMA Afternoon Prime.
Hindi titigil si Angel (Ashley Ortega) na bilugin ang ulo ng mga taong nakapaligid sa kanya at baliktarin ang sitwasyon para lang mailayo si Vanessa (Elle Villanueva) sa pamilya nito at masolo ang kanyang kapatid.
Kasabay ng kaliwa’t kanang masasamang plano ni Angel, nagsisimula na ring maghinala si Vanessa sa mga kilos at totoong intention niya. Dito na rin ba magsisimulang masira ang pagsasama nila?
Dalang-dala naman ang viewers sa matitinding tagpo sa serye. Sey ng ilan sa GMA Drama Facebook page, “Sobrang sama mo, Angel! Sinisira mo ang pamilya ni Vanessa! Ang gagaling ng mga artista dito. Maiinis ka sa mga kontrabida!”
Huwag palampasin ang “Apoy sa Dugo” tuwing 4:05 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.


