Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bigas ayuda ng Maynila, Makati pinagkumpara ng netizens

Usap-usapan ngayon sa social media forum na Reddit ang magkaibang paraan ng pamamahagi ng bigas sa Maynila at Makati, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain.

Sa isang post ng Reddit user na si Vegetable_Maize_4179 sa subreddit na r/makati, inilahad ang pagkakaiba ng rice programs ng dalawang lungsod na parehong humaharap sa inflation at may access sa pondo mula sa pamahalaang nasyonal.

Ayon sa post, ilulunsad ng Maynila ang programang “Biyayang Bigas sa Maynila” simula April 16, kung saan magbibigay ng libreng 10 kilo ng bigas kada benepisyaryong pamilya. Target nitong maabot ang humigit-kumulang 80,000 pamilya at tatagal ng anim na buwan.

Sinabi rin na mula sa Local Government Support Fund o LGSF ang pondo ng programa, Ang LGSF ay bahagi ng national budget, at pinalawak ito ngayong 2026 sa halos P58 bilyon para sa direktang tulong sa mga lokal na pamahalaan, kabilang ang food assistance.

Samantala, sa Makati, inilunsad ang “Benteng Bigas” noong April 14 sa Makati City Hall Quadrangle. Target nito ang mga piling sektor ngunit hindi libre ang bigas, kundi ibinebenta sa halagang P20 kada kilo bilang subsidized rate.

Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pagkakaiba ng dalawang programa, lalo na’t pareho namang may access ang dalawang lungsod sa parehong national funding mechanisms tulad ng LGSF.

“The existence of a stronger model makes a weaker one harder to justify,” komento ni Reddit user na HelloKittyBaby2.

“If Manila can roll out zero-cost rice starting April 16, then the April 14 paid rollout elsewhere raises immediate questions about prioritization,” sabi naman ni user na ttiinnggg.

Hirit pa ng user na christinagomeza, “Sabi ni BBM may libreng bigas. Bakit sa Makati biglang may bayad?”

May ilan ding nagpahayag ng mas mabigat na duda. “Baka naman nakikipag-aregluhan pa si Mayora Nancy sa mga supplier para sa kickback niya kaya di pa makapamigay,” komento ng user na williebillie8.

Sa naturang talakayan, itinampok na hindi lamang kakayahan ang usapin kundi kung paano dinisenyo ang palisiya at ano ang prayoridad ng bawat lungsod sa pagtugon sa krisis sa pagkain.

Binanggit din sa post na parehong lungsod ay may access sa mga mekanismo tulad ng Financial Assistance to Local Government Units at Growth Equity Fund, na bahagi ng LGSF.

Sa kabila nito, malinaw ang pagkakaiba sa implementasyon: libreng pamamahagi sa isang lungsod at may bayad sa isa pa.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang parehong pamahalaang lungsod ng Maynila at Makati hinggil sa lumalabas na paghahambing sa social media. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles