Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

VP Sara: Di ako bopols

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng nagpakilalang dating aide niyang si Ramil Madriaga kaugnay ng kanyang performance noong law school.

Sa isang pahayag noong Miyerkules, iginiit ni Duterte na hindi totoo ang alegasyon na kailangan niya ng tulong para makapasa sa kanyang pag-aaral sa batas.

“Of all the lies thrown during the Committee on Justice ‘mini trial’ on April 14, the one I personally take issue with is the claim, made by a bar flunker and kidnapping suspect, that I needed someone to help me get through law school,” ani Duterte.

Dagdag pa niya, “I completed my studies on my own terms. I placed a higher premium on living a well-rounded life rather than pursuing academic excellence.”

Ayon pa sa Bise Presidente, hindi siya humingi ng espesyal na pabor sa kanyang mga propesor. “I never asked any professor for special accommodation for my grades because the bare minimum was easy enough to meet. I was never the subject of any complaint for rudeness or violence against other students at SSC-R College of Law,” aniya.

Nauna rito, sa kanyang supplemental affidavit na iniharap sa House Committee on Justice nitong Martes, April 14, sinabi ni Madriaga na nahirapan umano si Duterte sa academics at umasa sa tulong ng isang propesor para makapasa.

Ayon kay Madriaga, ibinahagi umano ni Assistant Special Prosecutor Ryan Rey Quilala ng Office of the Ombudsman, na dati ring propesor sa San Sebastian College of Law, na “Sara was not particularly good in school, was often struggling with her academics, and habitually rude and violent to other students.”

Dagdag pa niya, ginamit umano ni Quilala ang kanyang impluwensiya para matulungan si Duterte na makakuha ng passing grades.

Kasabay nito, nanawagan si Rep. Terry Ridon, chair ng House Committee on Public Accounts at miyembro ng House Committee on Justice, na harapin ni Duterte ang mga alegasyon sa tamang forum, sa halip na sa media.

“Mas magandang sa House impeachment hearings niya banggitin ang mga kontrang pahayag na ito, imbes na sa mga press statement at sa mga press conference ng kanyang mga abogado,” ani Ridon.

Binigyang-diin ni Ridon na ang impeachment proceedings ang tamang lugar para sagutin at pabulaanan ang mga pahayag ng mga testigo, kabilang si Madriaga, na nagsumite ng mga alegasyon sa ilalim ng panunumpa.

“Muli, nagpapatuloy ang karapatan ng Pangalawang Pangulo na dumalo sa mga pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment proceedings laban sa kanya upang makapaglahad ng kanyang mga ebidensiya sa lahat ng mga paratang sa kanya,” dagdag niya.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na sa loob ng pagdinig, maayos na natitimbang ang mga ebidensiya at testimonya alinsunod sa mga tuntunin ng Konstitusyon at ng Kamara.

Giit ni Ridon, ang pagharap ng Bise Presidente sa pagdinig ay mahalaga para direktang matugunan ang mga alegasyon at masuri ang kredibilidad ng mga testigo sa isang pormal at istrukturadong proseso.

Magkakaroon ng susunod na pagdinig ang House Justice Committee hinggil sa impeachment complaints laban kay VP Sara sa susunod na Miyerkules, April 22. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles