Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Luistro sa impeachment vs VP Sara: ‘Hawak natin ang beat’

Iginiit ni House Committee on Justice Chair at Batangas Rep. Gerville Luistro na malinaw sa Konstitusyon kung saan nagsisimula ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at kung sino ang may kontrol sa proseso.

Sa pagbubukas ng pagdinig ng House Committee on Justice, diretsahang sinagot ni Luistro ang mga argumento na umano’y lumalampas na sa kapangyarihan ng Kamara ang komite.

“Sa atin ang unang galaw. Sa atin ang direksyon. Gaya ng sabi ng mga kabataan, ‘hawak natin ang beat,’” ani Luistro.

“As I said earlier, we have the exclusive power to impeach,” dagdag niya.

Binigyang-diin niya na ang ibig sabihin ng “exclusive” ay malinaw na sa Kamara nagsisimula ang proseso ng impeachment.

“At ang ibig sabihin ng ‘exclusive’ ay malinaw: Sa Kamara nagsisimula ang impeachment process,” aniya.

Ipinaliwanag ni Luistro ang malinaw na paghahati ng papel ng Kamara at Senado.

“The House initiates. The Senate decides,” ani Luistro.

Ayon sa kanya, hindi malabo ang mandato ng Konstitusyon.

“Under the Constitution, the House has the exclusive power to initiate all cases of impeachment. Ang papel natin ay suriin at alamin kung may sapat na basehan para dalhin ang kaso sa Senado,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, ang Senado ang magsisilbing impeachment court at magpapasya kung may sala o wala ang isang opisyal.

Nilinaw din ni Luistro na hindi pa paglilitis ang ginagawa ng komite.

“Ang ginagawa natin dito ay hindi trial. Ang tanong lang natin: May sapat bang batayan para umusad ang proseso?” aniya.

Ayon sa kanya, hindi mahalaga kung ano ang tawag sa proseso.

“Kung anuman ang tawag natin sa prosesong ito—hearing, inquiry, evaluation, o kahit ano pa—hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga, malinaw ang tungkulin at malinaw ang resulta,” dagdag niya.

Tinugunan din ni Luistro ang puna na ang impeachment ay distraksyon sa gitna ng iba pang problema ng bansa.

“But let me ask: Does the existence of many problems mean we should ignore one specific problem?” ani Luistro.

Idinagdag niyang kayang gampanan ng gobyerno ang maraming tungkulin nang sabay.

“The Committee can perform its duty while government continues to function. Multi-tasking ang gobyerno,” aniya.

Kaugnay ng mga petisyon sa Korte Suprema, kabilang ang inihain ni Duterte, iginiit ni Luistro na hindi ito dahilan para ihinto ang proseso.

“We do not pause our search for it, simply because, first, there are some procedural questions, or, second, there are more pressing problems, or, third, there are petitions before the Supreme Court,” ani Luistro.

Para sa kanya, mas mahalaga ang pagbibigay-linaw sa mga alegasyon kaysa sa mga teknikal na argumento.

“Ang taumbayan ay naghahanap ng sagot, hindi ng papel,” aniya.

“We will answer the lawyers in the Supreme Court, but we will answer the Filipino people here,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Luistro na ang usapin ay hindi tungkol sa personalidad kundi sa pananagutan.

“It is about accountability. It is about responsibility. Ito ay paninindigan para sa katotohanan,” ani Luistro.

Nilinaw rin niya ang limitasyon ng papel ng komite.

“Our duty is not to pass final judgment, but to clarify, and in the process, to seek the truth,” aniya.

Sa huli, sinabi ni Luistro na dapat gabayan ng Konstitusyon at interes ng bansa ang bawat hakbang ng Kamara.

“No other consideration must prevail except what is best for the country,” aniya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles