Masayang-masaya si Daniel Padilla sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga Cauayan City, Isabela nang dumalo ito sa “Gawagaway-yan Festival 2026”.
Enjoy na enjoy sa kanyang ginawang performance si Daniel na tila ba isa siyang bagong entertainer na nakiki-galak, nakikipaglokohan at nakikipag-landian sa mga nagtitiliang mga fans at supporters niya. Kaya naman hindi na nito napigilan ang sarili na bumaba ng maraming beses sa stage para lapitan ang audience.
Although tatak na ni Deejay (Daniel) ang maging malapit at laging pinagbibigyan ang mga fans niya, ayon sa mga nakaka-observe ay tila mas naging komportable na ito at halos ialay ang sarili for the fun and enjoyment of his adoring fans.
“Hindi mo mararamdaman na mailang sa kanya kahit alam naming napaka-bait niya. Napaka-generous niya sa oras sa pag-entertain at wala siyang tinatanggihang fan na gustong lumapit, humalik at magpa-picture sa kanya, Siya na mismo ang nag-aalay ng sarili. Very mature na siyang humarap sa tao at confident na siya sa kanyang husay kumanta at makipag-harutan sa mga fans,” obserba ng netizen.
Kuwento pa ni Daniel na bet pa nga niyang puntahan ang mga tao na naka puwesto nang malayo sa stage kaso nagkakatulakan na ang mga madlang pipol kaya umakyat na lang siya ulit sa entablado. Ayaw niyang may masaktan at maipit nang dahil lang sa kanya.
Anim na songs na ang kinanta ni Deej pero ayaw pa ring tapusin ng audience ang set niya. Unang kinanta ni Daniel ay “Elesi” na sinundan ng “Prinsesa” at “Antukin”.
Pang 4th niya ang “Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba” ng Apo Hiking Society. Last two songs niya ang mga kantang ni-revive niya at muling pinasikat, “Hinahanap-hanap Kita” at “Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby)”
Samantala, marami ring fans at casuals na taga Isabela naman ang naghahanap kay Kaila Estrada.
Sana nga raw ay makasama ito ng aktor na mag-perform on stage, kumakanta rin naman si Kaila at maganda ang boses. Hindi ba nga super sing ang aktres sa mala-concert na 30th birthday celebration niya last March.


