Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Imbestigasyon sa PNPA hazing, pinalawak; 4 pang kadete nadawit

Pinalawak ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa umano’y hazing incident sa Philippine National Police Academy (PNPA) matapos ang mga hakbang na isinagawa mula Abril 10 hanggang 12..

Ayon sa PNP, pinadalhan ng subpoena ang ilang personnel at kadete at humarap ang mga ito sa mga imbestigador. Nagsagawa rin ng joint case conferences at on-site inspection sa barracks para beripikahin ang mga pahayag at makakalap ng ebidensya.

Sa paunang findings, bukod sa tatlong kadeteng nauna nang nasa kustodiya, apat pang kadete ang nadawit at kinilalang may direktang partisipasyon. Isasama sila sa kaso habang inihahanda ang paghahain ng kaukulang mga reklamo.

Sinabi ng mga awtoridad na tuloy ang case build-up para matiyak ang matibay at evidence-based na prosecution.

Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi papayagan ang anumang paglabag sa disiplina.

“Hindi natin kukunsintihin ang ganitong gawain. Kung may paglabag, may kaakibat itong pananagutan. Ang hazing ay walang lugar sa PNP,” aniya.

“We are committed to ensuring a thorough, impartial, and swift investigation,” diin niya.

Pinaalalahanan din niya ang lahat ng trainees at personnel na sumunod sa core values ng propesyonalismo at respeto.

“Ang layunin ng pagsasanay ay maghubog ng kakayahan at integridad, hindi takot o pananakit. Maging malinaw ito sa lahat—anumang uri ng pang-aabuso ay mahigpit na ipagbabawal at papatawan ng kaukulang aksyon,” ani Nartatez.

Muling nagbabala ang PNP laban sa hazing at lahat ng anyo ng karahasan, at iginiit na ang mapapatunayang sangkot ay haharap sa administrative at criminal charges. Hinihikayat din ang publiko na i-report sa mga awtoridad ang kaparehong insidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles