Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2 Japanese fugitives, tiklo sa Batangas dahil sa fraud

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Japanese national na wanted sa kasong fraud sa Japan sa isinagawang operasyon kamakailan sa Lian, Batangas.

Kinilala ang mga naaresto na sina Takahashi Yuta, 45, at Sugita Yuki, 39, na nadakip ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration noong Miyerkules ng hapon, April 8, sa Sitio Ilaya, Barangay Matabungkay.

Ayon sa BI, isinagawa ang operasyon matapos ang request mula sa Japanese authorities, na nagsabing may arrest warrants laban sa dalawa na inilabas ng Omiya Summary Court noong 2024 kaugnay ng kasong fraud sa ilalim ng penal code ng Japan.

Batay sa record, pumasok ang dalawang dayuhan sa Pilipinas noong January 4, 2024 bilang temporary visitors. Gayunman, nag-overstay ang mga ito matapos mapaso ang kanilang authorized stay noong August at November ng parehong taon.

Dagdag pa ng BI, naka-flag ang dalawa sa kanilang sistema bilang undesirable aliens at fugitives from justice.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Japanese authorities, Philippine National Police Intelligence Group, at Regional Intelligence Division ng Calabarzon police.

Sa kasalukuyan, nasa BI Warden’s Facility ang dalawang suspek habang hinaharap ang deportation proceedings laban sa kanila. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles