Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BINI, tagumpay sa Coachella event

Nagmarka na naman sa kasaysayan ang iniidolo at minamahal nating  P-pop group na BINI bilang unang grupong  Pinoy na nagpamalas ng galing sa prestiheyosong entablado ng MOJAVE STAGE/TENT sa ginanap na COACHELLA VALLEY MUSIC AND ARTS FESTIVAL 2026 sa California, USA noong nakaraang Abril 10  at ika-11 ng Abril naman ng umaga dito sa Pilipinas. 

Pinuri ang energetic performances sa mga pinasikat nilang sayaw at kanta  gaya  ng ‘SALAMIN SALAMIN’, ‘CHERRY ON TOP’ kasama na ang phenomenal  na ‘PANTROPIKO’ at iba pa. 

Napakasolid  nang performance nina Maloi, Gwen, Colet, Aiah, Stácey, Jhoanna, Mikha at Sheena sa 42 minutes set exposure nila on stage.

Aminado ang lahat na sila’y kabado dahil nire-represent nila hindi lang ang kanilang mga sarili, kundi ang bansang Pilipinas. 

Sa tinatayang nasa daang libong live audience na nanood na may halo-halong lahi, masasabing nagtagumpay ang BINI sa kanilang pagtatanghal.

Ayon sa nakausap ng BISTADO mula sa pamunuan ni direk Laurenti Dyogi sa siyang tumatayong manager ng grupo, ‘we can never claim such honor and success on BINI alone or on our fanbase that truly exerted every effort to support. From our technical, to the choreographer, the designer and costume staff, our logistics team and the production, our families, lahat sila nag contribute sa success and pride ng BINI.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles