Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Minimum pasahe sa tricycle sa Davao, planong itaas sa P20

Pinag-aaralan ng Davao City Transport and Traffic Management Board ang panukalang pagtaas ng minimum pasahe sa tricycle mula P10 hanggang P20, kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at krudo.

Ayon sa mga opisyal, kailangang timbangin ang pangangailangan ng mga driver at operator at ang kakayahan ng mga commuter na magbayad. Binigyang-diin na anumang dagdag sa pamasahe ay direktang mararamdaman ng publiko.

Nagpetisyon ang mga transport group para sa pagtaas ng minimum fare, pero ayon kay Councilor Luna Acosta, hindi agad maaaprubahan ang buong hinihingi.

“There might be a slight increase in the fare, but it won’t be that high,” ani Acosta. Ayon sa kanya, kung hindi ito kakayanin ng publiko, maaaring mas mababang halaga ang ikonsidera.

“If 20 pesos is really not feasible, perhaps 15 is possible, at least a five-peso increase. That is something that we can consider,” dagdag niya.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan ipatutupad ang anumang pagbabago sa pasahe.

Nauna nang isinulong ng Tricycle Alliance of Davao City ang pagdodoble ng minimum fare mula P10 hanggang P20. Ayon sa grupo, naapektuhan ang kita ng mga driver dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo na inuugnay sa tensyon sa Middle East, kaya hirap na silang makasabay sa araw-araw na gastusin.

Ang alyansa, na binubuo ng 57 TODA presidents sa District 2, ay naglatag ng panukala kung saan hinihiling ang P20 base fare para sa unang kilometro at dagdag na P5 kada kilometro. Sa kanilang proposal, mananatili ang 20 percent discount para sa senior citizens, persons with disabilities, at mga estudyante.

Ayon sa Tricycle Alliance, kahit P10 ang umiiral na minimum fare, may mga iligal o hindi rehistradong operator na naniningil ng higit sa P20. Para sa kanila, mas makabubuti ang standardized na P20 minimum fare para maging malinaw at pantay ang singil sa lahat.

May mga commuter na nagpahayag ng pangamba sa panukala. Anila, mabigat sa bulsa ang pagtaas sa P20, lalo na sa araw-araw na biyahe. May ilan na nagsabing mas katanggap-tanggap ang P15 na minimum kaysa P20. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles