Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cebu provincial gov’t, namahagi ng 10-kilo bigas sa jeepney drivers

Dagsa ang public utility jeepney (PUJ) drivers at passenger assistant officers sa Capitol Grounds noong April 9, Huwebes para kunin ang 10-kilong rice subsidy mula sa provincial government, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Isa sa mga pumila si Ramil Miñoza, residente ng Pinamungajan at 12 taon nang nagmamaneho ng jeep sa Cebu City. Ayon sa kanya, malaking tulong ang anumang ayuda dahil hirap na hirap na ang mga driver sa kasalukuyang sitwasyon.

“Ang krudo mahal na kaayo. Imbes ang tubil namo sa una dos mil ra kapin, karon moabot nag sais mil,” ani Miñoza sa panayam sa Capitol.

Dagdag pa niya, matapos magbayad ng boundary sa operator, nasa P700 na lang ang naiuuwi niya kada araw. Malayo ito sa dating P1,500 hanggang P2,000 na kinikita niya bago tumama ang krisis.

“Usahay tabla-tabla lage. Naay madala gamay pero sigi lang gyud kay naa may pamilya,” sabi pa niya.

Para sa kanyang anim na miyembro ng pamilya, tinaya niyang tatagal ng halos dalawang linggo ang 10 kilong bigas na kanilang nakuha.

Dumalaw sa pamamahagi si Governor Pamela Baricuatro kasama ang ilang miyembro ng Provincial Board, kabilang sina Neneth Reluya, Sarsi Baricuatro, Nilo Seno, Nelson Mondigo, at Raymond Calderon.

Ayon sa gobernador, doble ang pagsisikap ng kanilang administrasyon para matulungan ang mga apektadong sektor sa pamamagitan ng targeted programs.

“I have been very blunt about this nga naa ta’y supply sa rice, naa ta’y supply sa fuel here sa province,” ani Baricuatro. “We are doing our best to help the sectors nga nagkalisud.”

Magpapatuloy ang pamamahagi ng bigas sa Capitol Grounds ngayong araw bilang whole-day activity. Ipinapamahagi ang rice subsidy sa pamamagitan ng batch system. Pinayuhan ang mga driver na makipag-ugnayan sa kanilang operator para sa schedule at claiming number. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles