Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Chinese envoy patalsikin? Hinay, sabi ng Palasyo

Huwag umanong magpadalos-dalos sa pagpapatalsik kay Chinese Ambassador Jing Quan dahil maaaring maapektuhan ang mga Pilipinong naninirahan sa China, babala ng Malacañang sa gitna ng mga panawagang ideklarang persona non grata ang diplomat.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkules, October 21, nauunawaan ng pamahalaan ang galit ng mga mambabatas at publiko sa pahayag ni Jing tungkol sa kakayahan ng China na gumamit ng puwersa.

“Minsan kapag mainit ang ulo mo, minsan hindi ka nakakapag-isip nang maayos. Although valid ang nararamdaman natin, meron tayong mga kababayan din sa bansang Tsina na dapat din nating protektahan,” sabi ni Castro.

Nauna nang binatikos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ni Jing na kayang manalo ng China kung gagamit ito ng puwersa, na itinuring nitong tila patagong pagbabanta.

May mga resolusyon na rin sa Senado na humihimok kay President Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang persona non grata ang embahador.

Sinabi ni Castro na hindi pipigilan ng Pangulo ang mga mambabatas, ngunit kailangang pag-aralan ang posibleng epekto ng anumang hakbang.

“Kung ano at kung paano ito ipapatupad para mas maprotektahan ang ating bansa, ito po ay pag-uusapan. Hindi dapat magpadalos-dalos ng anumang desisyon,” aniya.

Tiniyak niyang hindi uurong ang administrasyon sa pagtatanggol sa soberanya at maritime rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Wala pang opisyal na anunsiyo kung makikipagpulong si Marcos kay Jing.

Samantala, iginiit ni Castro na hindi dapat matabunan ng kontrobersiya ang alegasyong posibleng tumatanggap ng pondo mula sa China si Vice President Sara Duterte.

“Ang nais natin muna sa mga ganitong mga maiinit na palitan na mga salita, huwag po tayong maligaw. May issue pa tayong dapat kaharapin kung totoo bang nagbibigay ng pondo ang ibang bansa sa Bise Presidente,” sabi niya.

Ayon sa Palasyo, kailangan pang imbestigahan ang alegasyon dahil sa posibleng implikasyon nito sa national security. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles