Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Confidential funds ni VP Sara, sinisilip ng Ombudsman para sa posibleng kaso

Kinakalap na ng Office of the Ombudsman ang mga ebidensiya kaugnay ng P612.5 milyong confidential funds ng mga tanggapang pinamunuan ni Vice President Sara Duterte para matukoy kung may batayan sa pagsasampa ng kasong kriminal.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, pinagsasama-sama at sinusuri ang mga dokumento tungkol sa paggamit at liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Hihilingin din niya sa House impeachment prosecution panel na ibigay ang mga ebidensiya sa iba pang alegasyon laban kay Duterte na hindi pa nailalahad sa Senate Impeachment Court.

Sakop ng kontrobersiya ang P500 milyong confidential funds ng OVP at P112.5 milyon ng DepEd noong pinamumunuan ni Duterte ang dalawang tanggapan.

Kabilang sa mga sinisiyasat ang mga acknowledgment receipt at pagkakakilanlan ng mga nakalistang tumanggap ng pondo. Nauna nang nagkaroon ng mga tanong sa pagdinig tungkol sa mga pangalang hindi ma-verify sa civil registry records.

Pinagtibay rin ng Commission on Audit ang disallowance ng P73.287 milyong confidential expenses ng OVP noong December 2022 dahil sa kakulangan ng sapat na dokumentasyon.

Noong October 13, binawi ng House prosecution ang impeachment charge tungkol sa confidential funds, kasama ang dalawa pang articles, upang magpokus sa alegasyon ng unexplained wealth.

Gayunman, hindi nito inaalis ang posibilidad ng hiwalay na kasong kriminal. Nakasalalay pa rin sa pagsusuri ng Ombudsman kung may sapat na ebidensiya para magsampa ng kaso. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles