Nagsimula na ngayong October 19, Lunes ang pasabog nang It’s Showtime ng Kapamilya channel na “kakaibang segment” sa Ms Q&A, bilang parte ng kanilang ika-17 anibersaryo.
Imbes na mga regular LGBTQ+ members ang sumalang sa pinag-uusapang portion para sa mga Reyna Talakerang mga kafatid sa federacion, inanyayahan nila ang ilang mga It’s Showtime friends and hosts na maging bahagi ng selebrasyon.
Nitong Lunes nga ay sumabog ang mga kagandahan ng mga nagbalatkayong mga hunks at guwapong mga artista at host bilang mga Ms. Q&A Reyna Talakera contestants.
Rumampa sina River Joseph, Vince Maristela, Ralph MIaco, Ralph de leon at Ryan Bang.
Wala ka talagang itatapon sa naging transformation nila bilang mga “babae” na naka-wig, makeup, gown at naka-high heels at sinubukang maging “babae” sa harap ng live audience at on national TV.
Si River ay nagpakilala sa pangalang “RiverGin Pah” na naka-blonde wig at napakaganda namang tunay at agad na pumasok sa unang round ng top three and eventually ay tinanghal na second runner-up at nagwagi ng ten thousand pesos.
Si Vince Maristela naman ay may alias na Jean Vincent Maristela Araneta Siguion Reyna, na naging malaki ang pagkakahawig sa magandang aktres na si Erich Gonzales nang ma-make-up-an.
Ang Ralph Miaco naman ay kuwelang nag-ala Ralpa Mae Gento sa kanyang mala-Venezuelan awra.
Ang host na si Ryan Bang ay ginamit naman ang pangalan na Sarang Hae Ronimo na naging witty sa kanyang sagot at agad na pumasok din sa first round bago ito tanghaling first runner-up at mag-uwi ng twenty five thousand pesos.
Sa unang araw ng kontes ay tinanghal na winner ang napaka-gandang si Ralph de leon na gumamit ng pangalang Masaralph de leon na ipinakita talaga ang pagiging witty at bright sa mga rounds ng tanungan. Nag-uwi siya ng premyong fifty thousand pesos at muling mapapanood sa Sabado sa huling araw at grand finals para sa naturang segment,
Naging final question nina River, Ryan at Ralph ang tungkol sa kanilang gagawin kung sakaling ang mga magulang nilang matatanda na ay humiling sa kanila na ipasok ang mga ito sa home for the aged?
Umupong hurado o judge sina Robi Domingo, Janice de Belen at ang regular ditong si Nicole Cordoves.
Sa kakaibang “twist” na ito ng programa, inaasahang aabot hanggang sa Sabado ang malaking pasabog para sa madlang pipol.
Nakatakdang maging kalahok sa naturang special portion sa mga susunod na araw sina Apl.de.Ap, Bamboo, Billy Crawford, Skusta Clee, Flow G, Mariah Deborah, Amiel Sol, Earl Agustin, Carl Guevarra of The Juans, Rob Deniel, Angela Ken, Wilbert Ross at ang alternative rock band Fitterkarma.


