Nagawa ng Barangay Ginebra ang unang mahalagang hakbang tungo sa PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals nang talunin ang Phoenix Super LPG, 106-89, sa Ynares Center Antipolo nitong Linggo.
May apat na araw ang Gin Kings upang magpahinga, makabawi, at maghanda para sa ikalawang halos knockout na laro laban sa Blackwater Bossing sa pagtatapos ng elimination round sa Biyernes.
“For us, this is playoffs already,” ani Scottie Thompson.
“We got some incredible performances tonight. Scottie’s amazing, he turned back the clock in so many ways,” pahayag naman ni coach Tim Cone.
Si Thompson, na may average lamang na limang puntos kada laro bago ang laban, ay sumambulat sa 29 puntos at 10 rebound upang tanghalin na Best Player of the Game.
Tinulungan nyang bumawi ang Ginebra mula sa 93-112 pagkatalo sa Magnolia noong nakaraang laro.
Umakyat ang Kings sa ikaapat na puwesto sa Group B tangan ang 4-5 kartada, bahagyang lamang sa Meralco (4-6) at Blackwater (3-6).
Maiiwasan ng Ginebra ang komplikasyon ng tabla at awtomatikong makakapasok sa playoffs kasama ang Magnolia Hotshots (6-3), Rain or Shine Elasto Painters (5-3) at Fuel Masters (5-4) kapag tinalo nila ang Bossing.
Gayunman, magkakaroon ng three-way tie sa pagitan ng Blackwater, Ginebra at Meralco kapag tinalo ng Bossing ang Gin Kings. Aayusin ang pagkakatabla sa pamamagitan ng quotient tiebreaker.
“We need to be consistent. We’ve been really high then go down to very low. Hopefully, we can smooth ourselves out and find a way to be consistent,” sabi ni Cone.
Malakas ang naging simula ng Gin Kings at hindi nila binitiwan ang kanilang pag-atake hanggang sa makamit ang dominadong panalo.
Nagtala si Jordan Murphy ng 28 puntos at 13 rebound, habang nakapagtala rin si Japeth Aguilar ng double-double na may 12 puntos at 10 rebound. Nag-ambag si Jeremiah Gray ng 12 puntos mula sa bench.
“Our import played really well, he’s all over the floor and played with great hustle and force. RJ did a good job controlling tempo and Jeremiah had a good night. He plays like that, and it deepens our lineup,” dagdag ni Cone.
Pinangunahan ni Marcellus Earlington ang Fuel Masters sa pamamagitan ng 22 puntos, habang nagdagdag sina Ricci Rivero at Kai Ballungay ng tig-10 puntos.
Sa unang laro, nagpakitang-gilas si Alec Stockton sa pinakamahalagang sandali upang pangunahan ang Converge sa isang kapana-panabik na 114-112 overtime na panalo laban sa defending champion TNT.
Bagama’t sa huling bahagi pa ng linggo magsisimula ang susunod na yugto ng torneo, ipinakita ni Stockton na handa na siya sa pamamagitan ng isang tira malapit sa ilalim ng basket na nagdala sa overtime.
Pagkatapos nito, nakapuntos siya sa isang mahirap na drive na siyang naging paniguradong panalo ng Converge.
“We just want to continue to have that momentum going to the playoffs so we treated this like a playoff game. That was our mentality,” ani Stockton, na nagtapos na may 19 puntos, kung saan 12 ang naitala niya sa fourth period at overtime.
“We just had the opportunity to get the chance to make plays and just made it happen down the stretch,” dagdag nya.
Sa ikalimang sunod na panalo, nagtapos ang Converge na may 8-4 kartada at nakakuha ng hindi bababa sa ikatlong puwesto sa Group A.
Makakaharap naman nila ang ikalawang pinakamahusay na koponan mula sa Group B sa best-of-five quarterfinals.
Nagsilbi rin ang panalo bilang malaking pampataas ng moral para sa FiberXers, na tila nawalan ng direksyon matapos mahuli nang hanggang 71-86 sa huling bahagi ng third period.
Ginampanan din ni Cameron Clark ang kanyang bahagi sa pamamagitan ng 27 puntos, pitong rebound, at anim na assist.
Tiniyak din niya ang panalo nang mapigilan niya ang tira ni Rondae Hollis-Jefferson malapit sa ilalim ng basket sa huling opensibang aksiyon ng TNT sa laro.
Naging mahalaga rin ang kontribusyon ni Juan Gomez de Liano, na nagtala ng 22 puntos at walong assist, gayundin ni Justine Baltazar, na kumamada ng 19 puntos at 12 rebound.
Dahil sa pagkatalo, bumaba ang TNT sa 7-5 kartada at napunta sa ikaapat na puwesto sa Group A. Ang susunod nilang makakaharap ay ang nangungunang koponan mula sa kabilang grupo.
Nagtala si Hollis-Jefferson ng 33 puntos at 11 rebound, si Jordan Heading ng 21 puntos, si Calvin Oftana ng 14 puntos, at si Roger Pogoy ng 12 puntos matapos siyang parangalan sa halftime bilang pinakabagong miyembro ng 500 Steals Club.
The scores:
First Game
CONVERGE 114 – Clark 27, Gomez de Liano 22, Baltazar 19, Stockton 19, Policarpio 10, Abueva 5, Arana 4, Williams 3, Garcia 3, Tungcab 2, Concepcion 0.
TNT 112 – Hollis-Jefferson 33, Heading 21, Oftana 14, Pogoy 12, Nambatac 8, Galinato 6, Ganuelas-Rosser 5, Castro 5, Erram 4, Khobuntin 5.
Quarters: 27-35; 55-56; 74-86; 106-all; 114-112
Second Game
GINEBRA 106 – Thompson 29, Murphy 28, Gray 12, J. Aguilar 12, Rosario 8, Abarrientos 7, R. Aguilar 4, Holt 3, Cu 3, Pinto 0, Abis 0, Estil 0.
PHOENIX 89 – Earlington 22, Rivero 10, Ballungay 10, Escandor 9, Tuffin 8, Delos Santos 6, Tio 5, Mamuyac 5, Chua 4, Gozum 4, Santos 2, Ando 2, Cullar 2.
Quarters: 36-28; 65-45; 86-60; 106-89


