Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Atasha Muhlach, “single” na uli?

Naging palaisipan sa mga netizen ang tinurang pahayag o sagot ni Atasha Muhlach nang bumisita ito sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk sa GMA 7.

Sa promotion ng kanyang musical na Annie Batungbakal: Bongga Ka Day na ongoing pa rin sa ngayon ay napag-usapan ang buhay pag-ibig ng magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Ayon kay Atasha, pokus siya sa kanyang showbiz career sa ngayon at wala umano siyang oras para sa personal na bagay, kasama na ang usapin sa pag-ibig.

Kaya ng diretsuhin ni Kuya Boy ang tanong kung mayroon ba siyang boyfriend sa kasalukuyan, ay mabilis ang naging tugon ni Atasha, “wala po. I’m single.” 

Mabilis na kumalat ang tugon ni Atasha lalo na sa mga supporters niyang nakasubaybay sa naging ugnayan o special friendship nila ng San Miguel Corporation scion na si Jacob Ang, anak nga ni top honcho Ramon S. Ang.

Marami tuloy ang nagduda kung nag-break ba sila, o talagang wala silang relasyon despite their closeness lalo na sa ilang pagkakataon na mayroon silang mga family dinners o mga photo poses na para silang mag-jowa talaga.

So ibig daw bang sabihin na never daw talagang naging “taken”si Atasha at hindi pa ito nagkakaroon ng bf?

Ano nga kaya ang real score sa kanila ni Jacob? O baka naman daw possible ding career move ito para sa aktres?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles