





Sa isang mahabang IG post ng queen of all media na si Kris Aquino ngayong araw, Oct. 16, tila hahayaan na lang niyang ang mga kapamilya ang humarap sa usapin hinggil sa Machong Chismisan at mga sangkot ditong podcasters.
Sa napakahabang panahon na hindi nagbigay ng update si Kris ng kanyang medical condition, muling nagulat ang madlang sumusubaybay na mayroon palang mga pinagdaanang proseso si Kris sa tila panibagong “alarming auto immune condition” na natuklasan sa kanya.
“I have stopped giving you health updates because I’ve been afraid- there are not so great numbers and can you believe a new autoimmune disease that’s exhibiting scary symptoms,” bahagi ng IG post ni Kris.
Ibinahagi din niyang masyado pang bata si Bimbs para akuin ang responsibilidad na arugain at alagaan ang kanyang kuya Josh kaya’t patuloy pa rin daw siyang lalaban at magiging “ina” sa mga ito.
Susog pa ni Kris, “Bimb still needs more years to be ready for his lifelong responsibility of taking care of his Kuya josh. That’s why ang mama nila hindi pa pwedeng isuko ang laban.”
Kaya naman sa recent controversy na bumabalot ngayon para sa anak na si Joshua na gawa ng Machong Chismisan podcast at mga sangkot ditong sina Tito Patrioto, Makoy Pare, Daniel Lawrence Vivar, RJ Carbonell, at Juan Paulo Mojica at kanilang Pod Production, hindi na ito pagtutuunan ng pansin ni Kris.
Tinawag lamang ni Kris na “irresponsible and uninformed opinions” ang mainit ngayong pinag-uusapang podcast ng Machong Chismisan at ipinaliwanag niyang mas pinipili niyang huwag ngang banggitin ang mga names ng mga naturang iresponsableng mga tao o di kayaý ibuhos ang kanyang damdamin laban sa mga ito dahil aniya, “they didn’t get the word war they were expecting.”
Sa patuloy na pagpuna at pagbibigay suporta ng netizen at maging ng ilang mga nasa gobyerno, kasama na ang mga organisadong grupong nangangalaga at nasa advocacy group para sa mga taong may special na mental and physical condition, mga PWD, mga persons with inabilities, disabilities at special needs, etc, tila sa mga ito na lang ipapaubaya ni Kris ang laban.
Marami ang natuwa ng muling makita ng madlang pipol si Kris last August, 2026 na nagbabalik via Netflix engagement.
Subalit nito palang September 29, ayon mismo sa kanyang IG post, dumaan pala siya sa isang operasyon sa Makati Medical Center at nagpapagaling pa rin hanggang sa ngayon.
Sa isang bahagi ng kanyang post ay muling pinasalamatan ni Kris ang mga taong hindi nagsasawang ipagdasal siya at sila ng mga anak niya.
Nag-post din siya ng mga litrato mula sa mga endorsement shoots na kanyang ginawa lately kasama ang ,mga ngayoý close friends niyang sina Michael Leyva at RB Chanco, pati na ang mga anak na sina Bimby at Josh.
May isang photo pa makikitang ini-enjoy nina Kris at Josh kasama ang ilang mga kaibigan habang kumakain.
Labis-labis din ang pasasalamat ni Kris sa kanyang mga doktor at nurses dahil tinupad din nito ang mga kasunduan nilang protektahan ang kanyang privacy sa gitna ng mga ginawang medical procedures, bukod pa sa maayos at masinop na pag-aalaga sa kanya.
“The sutures aren’t out yet, but as soon as they are, time for my 3rd infusion of a biologic immunosuppressant that has helped,” dagdag pa ni Kris..
“Thank you for your prayers and words of encouragement. If I don’t post, I am in so much pain that I’m bedridden for 5 days, or if you don’t see reels- that’s the sign, I am in need of more prayers,” saad pa ng queen of all media.



