Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

69 Atleta, dala ang bandila ng Pinas sa Japan Asian Para Games

Magpapadala ang Pilipinas ng 69 na atletang lalahok sa 11 sports sa 5th Asian Para Games na gaganapin sa Nagoya, Japan sa Oktubre 18 hanggang 24.

Nag-uwi ang Pilipinas ng 19 na medalya mula sa 2023 Hangzhou (China), kabilang ang 10 gintong medalya na walo ay mula sa chess.

Nakuha rin ng Pilipinas ang apat na pilak at limang tansong medalya para sa ikasiyam na puwesto sa kabuuang standings.

Sa 2018 edisyon ng torneo sa Jakarta (Indonesia), nag-ambag ang chess ng limang gintong medalya, na nagtapos sa ika-11 puwesto taglay ang 10-8-11 na medal tally.

“They made sure chess is not included (this year) because we will surely win. But I pushed for it. Pinilit natin,” pahayag ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.

“But we will make up for that. I told the athletes what’s important is that they do their best to go for gold and make sure that they fight all the way.”

Lalahok ang pambansang koponan sa archery, athletics, badminton, cycling, judo, powerlifting, fencing, swimming, taekwondo, table tennis at wheelchair basketball.

Hinamon ni Barredo ang mga atleta na higitan pa ang kanilang mga nakamit kahit wala ang chess sa kompetisyon.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang palakasin ang mga grassroots para sports program sa pamamagitan ng mas regular na mga pambansang kompetisyon at tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan.

“I’m hoping that there will be more Filipino people with disabilities who will engage or involve themselves in sports. The more awareness we create, the more help,” ani Barredo.

Binigyang-diin niya na higit pa sa pagkakataong katawanin ang bansa ang maibibigay ng sports sa mga atleta.

Nanawagan din siya sa media na tumulong sa pagpapalawak ng kamalayan at paghikayat sa mas maraming Pilipinong may kapansanan na makilahok sa sports.

“Skills wise, we are right there. As we’ve seen during training, the consistency is there. No complaints,” pahayag ni taekwondo para coach Gershon Bautista.

Sa katatapos na Asian Games, nakasungkit ang Pilipinas ng apat na gintong medalya, siyam na pilak at 16 na tanso para sa kabuuang 29 na medalya. Ito ang pinakamaraming medalya ng bansa mula nang makapag-uwi ito ng 42 (2-15-25) mula sa 1966 Thailand.

Nangibabaw ang China sa kabuuang medal standings ng 2023 Asian Para Games, matapos mag-uwi ng 214 ginto, 167 pilak at 140 tansong medalya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles