Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tala pinalalawak partnerships para mas maraming Pinoy makautang

Pinapalawak ng digital lending company na Tala Philippines ang pakikipagtulungan sa mga bangko, payment networks at negosyo para mas maraming Pilipinong hirap makakuha ng pautang sa tradisyonal na financial institutions ang magkaroon ng access sa credit.

Sa ilalim ng Credit-as-a-Service (CaaS) platform, maaaring gamitin ng partner companies ang credit assessment technology ng Tala sa sarili nilang applications at customer networks.

Ayon sa Tala, 58 porsiyento lamang ng Filipino adults ang may formal financial accounts, kaya marami pa rin ang nahihirapang makakuha ng pautang.

Gamit ang alternative-data scoring technology, maaaring masuri ang loan applications at makapagbigay ng lending decisions sa loob lamang ng ilang minuto.

Target nito ang maliliit na negosyante at mga Pilipinong walang sapat na credit history o collateral para makautang sa bangko.

“Financial inclusion thrives when different parts of the ecosystem work together,” sabi ni Tala Philippines President at General Manager Moritz Gastl.

Sa partnership model, Tala ang magbibigay ng credit assessment technology at risk intelligence, habang ang mga katuwang nito ang maglalaan ng kapital, distribution networks at access sa customers.

Pinalalawak din ang loan-channeling arrangements sa financial institutions para madagdagan ang lending funds at posibleng mapababa ang borrowing costs.

Maaari namang matanggap ng borrowers ang kanilang loan proceeds sa pamamagitan ng mga bangko, e-wallets at over-the-counter payment channels.

Kasabay ng expansion, isinusulong ng Tala ang consumer protection, anti-fraud initiatives at Debt with Dignity campaign laban sa mapang-abusong debt collection practices.

Gayunman, hindi awtomatikong nangangahulugan ng mas murang pautang ang mas malawak na credit access.

Mahalaga pa ring matiyak na kayang bayaran ng borrowers ang kanilang utang at malinaw ang mga kondisyon ng pagpapautang. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles