Bukod sa pagiging General Manager ng government owned TV network na PTV4, muling binigyan ng bagong posisyon sa gobyerno si direk Lino Cayetano.
Sa pagbabalik ni PBBM mula sa limang araw nitong state visit sa Singapore ay gagawin ng pormal ang appointment ni Cayetano bilang bagong Corporate Communications Executive sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Bunsod ito ng pag-bypass kay Dave Gomez bilang PCO Secretary (Presidential Communications Office) ng Commission on Appointments.
Ayon sa nakausap ng BISTADO na malapit na ehekutibong kasama ni Cayetano sa PTV4, malugod daw itong tatanggapin ng direktor at general manager nila sa ngayon sa naturang TV network.
Si Cayetano na ang magiging ikaanim na i-aappoint bilang chief ng PCO sa liderato ni PBBM.
Bukod sa papalitan nitong si Gomez, ang mga minsan na ding naging head nito ay sina lawyer at vlogger Trixie Angeles; Cheloy Garafil, now the secretary general of the House of Representatives; veteran broadcaster Cesar Chavez at si former television reporter Jay Ruiz.
Ayon pa sa parehong source, maganda ang performance ni Cayetano bilang PTV4 General Manager at nagagawa nitong magaan at positibo ang mga usapin sa gobyerno at mga isyung kinakaharap nito araw-araw.
Matatandaang simula ng magkaroon ng “personal rift” si Cayetano sa mga kapatid na Senador na sina Alan at Pia, pati na sa asawa ni Sen. Alan na si Lani na nakalaban pa nito sa pulitika sa Taguig City, naging malapit na sa administrasyong Marcos ang bunso ng mga Cayetano.
Nitong June 2026 lamang na-appoint si Cayetano bilang PTV4 General Manager na agad nagawang aktibo ang pagkakaroon ng mga collab engagement sa mga ibang networks gaya ng ABS-CBN, GMA 7 at TV5.
Hindi naman ito kataka-taka dahil matagal ding naging bahagi ng showbiz industry si Cayetano bilang isang film director, co-manager ng mga artists at kasali sa malalaking produksyon sa TV at ilan pang media-related stuffs sa showbiz.
Bahagi pa rin ng magiging responsibilidad ni Cayetano sa kanyang bagong karagdagang posisyon sa PCO ay ang pag-supervise sa PTV-4, IBC-13, state radio network PBS-Radyo Pilipinas, Radio Television Malacañang (RTVM), the Philippine Information Agency (PIA), and the Philippine News Agency (PNA).


