Dagdag hanggang P45 sa arawang minimum wage ang matatanggap ng mga manggagawa sa Calabarzon simula October 26, katumbas ng hanggang P1,170 dagdag-kita kada buwan.
Mahigit 1.56 milyong minimum wage earners sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang inaasahang makikinabang sa bagong wage increase, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Inaprubahan ang dagdag-sahod sa ilalim ng Wage Order No. IVA (CALABARZON)-23 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) at National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Hindi pare-pareho ang dagdag-sahod sa lahat ng manggagawa. Magkakaiba ang wage adjustments depende sa industriya at sa classification ng lungsod o munisipalidad kung saan nagtatrabaho.
Nakasaad sa opisyal na wage order ang eksaktong bagong minimum wage rates para sa bawat sektor at lugar.
Pinangunahan ni Labor Secretary Francis Tolentino, na chairman din ng NWPC, ang commission meeting para sa pagtatakda ng bagong rates.
Dumaan ang desisyon sa tripartite wage-setting process na kinabibilangan ng mga kinatawan ng manggagawa, employer at gobyerno.
Sinuri rin ang kasalukuyang socio-economic conditions sa rehiyon alinsunod sa Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act.
Tiniyak ni Tolentino na mahigpit na babantayan ng DOLE Regional Office No. 4A ang pagpapatupad ng bagong wage order para matiyak na sumusunod ang mga employer.
Sa October 26 magsisimulang umiral ang bagong minimum wage rates sa Calabarzon. /Bistado


