Isa nga si Gary Valenciano sa mga celebrities ngayon na nag-level up ang pagiging ‘celebrity’ by having his own podcast show sa digital media.
Although last June pa of 2026 ito nagsimula pero nitong nasa ika-apat na buwan at sa episode 20 lang ito napag-usapan at nag-viral dahil sa naging bisita nito ang Presidente ng bansa, si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa naging talakayan nila, marami ang nagsabing may pagka-narcissist si Mr. Pure Energy dahil sa sobra nitong daldal at dalas ng pagsali ng sarili sa mga ibinabahagi ng guest.
May mga bashing din sa naging paraan niya ng pag-handle ng questions and answers dahil lumalabas nga daw ang kulay nito sa pulitika, at ilan pang biases nito sa isyu.
Sa naturang episode ay sobra talagang na-bash si Gary lalo na mula sa kampo ng mga tinatawag na DDS (Duterte supporters) na wala na yatang nakitang maganda sa podcast ni Gary.
Sa naturang guesting din ni PBBM ni-reveal at binalikan ni Gary ang isang insidente na nagkita sila ni First Lady Liza Araneta-Marcos at naka-kwentuhan siya nito at sinabihan na kahit lantad at kilala siyang kakam-Pink ay naging magiliw at marespeto ang mga pananaw at prinsipyo nila sa mga isyu sa pulitika.
Kaya naman nagbigay agad na nakapagbigay ng magandang remark si First Lady Liza at sinabi pang kinilig siya na naalala pa ni Gary ang naging conversation nila three years back.
Sa naging pahayag nito sa kanyang social media account na FB ay sinabi nitong,
“We may have different colors, different choices and different opinions, and that’s okay,” Marcos wrote, adding that Filipinos should stop fighting one another and remember that “iisa lang naman ang Pilipinas natin.”
Ang mga previous episodes simula ng magkaroong sarili niyang “Unshaken with Gary V” ang kilalang singer-host ay mga episodes niya with Kim Atienza, Robi Domingo, Gab Valenciano, Lumpia Queen, Coco Martin-Julia Montes, Martin NIevera, Michale Philips, Michael V, James Reid, Kiko Pangilinan, Kiana Valenciano, Toni Gonzaga, DPWH Sec. Vince Dizon, Ice seguerra, Maria Lourdes Sereno, Lottie Bie, Gloc 9, Chel diokno, Louie Ocampo at ito ngang kay PBBM.


