Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Manila-Riyadh flights, kinansela ng PAL matapos ang mga pag-atake sa Saudi airports

Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang dalawang biyahe sa pagitan ng Manila at Riyadh matapos ang magkahiwalay na pag-atake sa mga paliparan sa Saudi Arabia.

Apektado ang PR654 Manila-Riyadh ngayong Huwebes, October 8, at PR655 Riyadh-Manila sa Sabado, October 10.

Nauna rito, sinalakay ang Abha International Airport at King Khalid International Airport sa Riyadh sa mga pag-atakeng inako ng Houthi movement ng Yemen.

Ayon sa General Authority of Civil Aviation ng Saudi Arabia, tatlong sibilyan ang nasawi at 36 ang nasugatan.

Sinabi ng PAL na patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon sa mga paliparan at ang kaligtasan ng airspace bago magpasya kung itutuloy ang mga susunod na biyahe.

Inaabisuhan na rin ang mga apektadong pasahero at binibigyan ng mga opsyon gaya ng rebooking o refund.

“We recognize the inconvenience and concern these cancellations may cause our passengers,” ayon sa PAL.

“The safety and well-being of passengers and crew remain our highest priority.”

Maglalabas pa ang airline ng karagdagang advisory depende sa magiging takbo ng sitwasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles