Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Panukalang i-restrict social media use ng minors, OK na sa Senado 

Aprubado na sa Senado ang panukalang maghihigpit sa paggamit ng social media ng mga menor de edad bilang bahagi ng mas malawak na hakbang para protektahan ang mga bata laban sa online risks.

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa nitong Huwebes, October 8, ang Senate Bill No. 2424 o proposed Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces Act, na mas kilala bilang SMART KIDS Act.

Sa ilalim ng panukala, kailangang magpatupad ang covered social media platforms ng age-verification o age-assurance mechanisms para matukoy kung pasok sa minimum age requirement ang kanilang users.

Kasama rin sa panukala ang parental safety tools at iba pang safeguards para mabawasan ang exposure ng mga menor de edad sa harmful content at iba pang panganib online.

Sakop nito ang electronic services na pangunahing ginagamit para sa online social interaction at paglikha, pag-share o pagtingin ng content mula sa ibang users.

Hindi naman sakop ang ilang serbisyo gaya ng email, private messaging, educational at news platforms, professional collaboration tools at online games na hindi pangunahing social networking services.

Inaatasan din ang mga international social media companies na sakop ng panukala na magkaroon ng kinatawan sa Pilipinas para makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Kapag naging batas, Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mangunguna sa pagpapatupad nito, kabilang ang pagtatakda ng age-assurance standards, pag-monitor sa compliance at pag-imbestiga sa violations.

Nahaharap sa multa ang digital service providers na hindi susunod sa requirements. May nakalaan ding sanctions laban sa mga magulang na sadyang tutulong sa kanilang mga anak na lampasan ang age restrictions.

Dadaan pa ang panukala sa reconciliation sa bersyon ng House of Representatives bago makabuo ng final bill na ipapadala sa Pangulo para pirmahan o i-veto. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles