Iyan ang malaking katanungan ng mga tagahanga at fans ni Willie Revillame nang kumalat ang mga fotos at balitang nakipag-miting ito sa ilang mga tagapamuno ng GMA 7 network.
Sa mga kumakalat na fotos, makikita si Willie na masayang nakikipaghuntahan over a sumptuous meal sa mga GMA 7 executives sa pangunguna ni Atty. Annette Gozon Valdez.
Mabilis ang konklusyon ng mga supporters ni Revillame na matagal na daw nami-miss na muling mapanood sa isang live show ang kanilang idolong TV host.
Ayon sa mga ito, tiyak daw na ang pagbabalik ni Willie sa TV at sa GMA 7 ang pinag-uusapan sa naturang meeting.
Subalit ayon naman kay Atty. Gozon ay simpleng usapan lang daw yun ng mga magkakaibigan na matagal na ding hindi nagkikita at nagkakabalitaan.
“A simple catching up moment,” ang sey pa ng iba pa nilang kasama sa naturang meal session.
Magdadalawang taon ng hindi napapanood sa live TV si Revillame since his last outing sa TV5 kung saan may short engagement ang kanyang Wilyonaryo show.


