Nagsara ng kabuuang 26 stores ang AllHome Corp. at AllDay Marts Inc. mula January hanggang September habang inililipat ng Villar retail group ang focus mula expansion tungo sa mas mahigpit na cost control, leaner operations at mas mataas na returns mula sa natitirang branches.
Labintatlong AllHome stores ang isinara sa loob ng siyam na buwan, dahilan para bumaba sa 34 ang outlets nito as of September 29 mula 47 noong katapusan ng 2025.
Labintatlong AllDay stores din ang isinara sa parehong period, kaya nahati sa 13 mula 26 ang network nito.
Kinumpirma ng dalawang kumpanya ang closures at inilarawan ang hakbang bilang bahagi ng store-network optimization at rationalization programs para mapahusay ang operating efficiency at suportahan ang long-term profitability.
Sa AllHome, nire-resize ang underperforming locations at nire-realign ang operations batay sa sales throughput, customer traffic at operational requirements.
Target nitong i-right-size ang manpower at alisin ang excess costs habang pinananatili ang service quality.
Sa AllDay naman, nananatili ang commitment sa grocery retail ngunit mas magiging selective ito sa expansion at gagamit ng mas maliliit na mini-mart formats kung mas akma sa target market at operating conditions.
Parehong binigyang-diin ng AllHome at AllDay ang cost discipline at liquidity management, kabilang ang working-capital optimization, prudent cash prioritization at mas mahigpit na pagtutugma ng operating expenses sa kasalukuyang business levels.
Malaking pagbabago ito mula sa dating expansion-heavy strategy ng Villar retail businesses.
Sa ngayon, mas nakatutok ang grupo sa productivity at profitability ng mga natitirang stores kesa sa dami ng bagong branches. /Bistado


