Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Doug Kramer, nilabasan din ng resibo ng netizen; UP Maroon player, nadamay pa

Dala pa rin ng nalikhang kontrobersya ng Patrick Garcia-Jennylyn Mercado item at pagsanga-sanga ng isyu and celebrities involve, kalat na kalat na din ngayon ang diumano’y socmed (X o dating twitter) post ng isang netizen.

Ang naturang re-post ay mula sa umano’y post naman ng isang dating kaklase ni Doug mula sa Ateneo University na ngayoý nilaro lang bilang sagot mula sa nakaka-intrigang post ng ngayoý UAAP player na si Harold Alarcon ng UP Maroons.

Sa post kasi ni Harold Alarcon ay tila sinagot nito ang kumakalat na tsikang post tungkol kay Doug na diumano’y malakas mangopya noon si Doug sa kanyang kaklase sa subject na Math 11 kapag mayroong pagsusulit.

Sey ni Alarcon sa kanyang post na lumabas sa FB, ” sa mga classmates ko jan wag na kayo maingay ha pinapakain ko naman kayo,” sabay pakita ng pinag-uusapang post ng nagpakilalang classmate sa Ateneo ni Doug.


UP Maroon player Harold Alarcon, nilaro lang ang pangongopya item kay Doug Kramer.. mula sa FB

Ang naturang post ng Ateneo classmate ni Doug ay nagsasabi namang, “silly fact. Doug Kramer was my seatmate in Ma11 in Ateneo. Lagi siyang kumokopya sa kin pag quiz. Looking back, As a Probinsyano na bagong sampa sa manila, it was a combination of me feeling lowkey being bullied (the men’s basketball team won championship that hear (sic) and he had that astang big man on campus) and thinking was kinda attractive in bad boy kind of way. Sinabihan pa nya ako na ayusin ko daw sulat ko ang bring my blue book closer to him (laughing emoji).”

At dahil naging katatawanan na nga ang meme at kumakalat na ito ngayon, mayroon namang ilang netizen na nag-repost ng post ni Alarcon sabay lagay naman isang nakaka-intrigang picture nito while nasa isang game kung saan kinakamot nito ang kanyang “private part”.”

Umaani ngayon ng maraming likes and comments ang post dahil tila nalagyan na daw ito ng ibang meaning lalo’t anong klaseng “pakain” daw ang ginagawa ni Alarcon o marahil ay ginawa na din ni Doug Kramer hahaha!

Imagine, nagsimula lang ang isyu sa pagtatanggol ni Doug sa bayaw niyang si Patrick Garcia pero napunta na ang usapin sa pangongopya nito noong nasa college at masaya pang naisali ang sikat na UP Maroon player na nagpapakain naman daw sa mga classmate nitong kanya marahil na kinokopyahan kapag may quiz hahaha!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles