Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gelli de Belen, dahil sa “sawsawera” binalikan ng netizen

Si Gelli de Belen ang latest casualty ng online bashing hinggil sa isyung Patrick Garcia-Jennylyn Mercado.

Tinatawag siya ngayong “sawsawera” dahil umano sa pangingialam nito at pagkampi sa isang panig nang hindi inaalam ang mga isyung kakambal ng usapin.

Dahil nagbigay ng kanyang unsolicited advice ang aktres-host, siya ngayon ang niresbakan ng mga fans and supporters nina Jennylyn at Dennis Trillo.

Sa isang online show sa GTV (affiliated sa GMA7) na Chika Cart ay naging bisita si Gelli at naitanong nga sa kanya ang mainit na showbiz issue tungkol sa past relationship nina Patrick at Jennylyn na ikinadismaya ng mga netizen dahil sa pagpapakita umano ng pagiging walang kuwentang lalaki ni Patrick.

Subalit sa naging pananaw ni Gelli ay tinuran nitong hindi na daw dapat umabot pa sa gulo ngayon ang lahat kung maayos daw na na-kunsider ang damdamin ng mga batang involve, partikular na ang dalagitang anak ni Patrick.

May sinabi pa itong kampi siya sa mga bata kesa sa mga nagbabangayang mga magulang.

Sa naturang mga saloobin niya siya binakbakan ng netizen lalo’t obvious daw na tila hindi naman alam ni Gelli ang buong kuwento, lalo’t kalat na kalat na din sa socmed ang mga old videos ng mga interviews noong kasagsagan ng usapin.

Hindi rin nakatiis si Dennis Trillo kaya’t sumagot ito kay Gelli at ipina-alala ditong hindi sila ang nag-umpisa ng gulo o tensyon kundi si Patrick.

Sagot ni Dennis kay Gelli, “nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko na lang sa ganyan. Oo, kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”  

Sa ngayon ay umaabot na lung ilang daang libo ang naturang sagot ni Dennis kay Gelli dahil sa mga posts at reposts.

Ang siste, tila mas lumala ito ngayon dahil ultimong mga lumang isyu noon ni Gelli lalo na sa ngayo’y asawa na niyang si Ariel Rivera ang lumabas na at nagsanga-sanga pa by saying na inagaw lang naman niya uli kay Regine Velasquez si Ariel kahit ang totoo naman yatang kwento ay siya talaga itong pinili ni Ariel.

Pero sadyang ibang mam-bash ang netizen dahil kahit ang klase ng friendship niya kay Candy Pangilinan ay tinatanong din ng lahat.

“Kung totoong best friend niya si Candy eh di dapat alam niyang struggle at ibang klaseng commitment ang mag-aruga at magmahal ng isang special child o anak na may special na kondisyon. Eh bakit ang kapal ng mukha niyang kampihan ang isang struggling artist o daughter ni Patrick without even asking na yung special child ni Patrick kay Jennylyn ay may history ng pagpapabaya and even a question on paternity? Napaka-ipokrita namang nanay ni Gelli,” lahad ng netizen.

Samantala, naglabas naman ng official statement ang GMA 7 na siyang may hawak ng GTV show na Chika Cart at sinabi nilang opinyon bilang guest ang naging saloobin ni Gelli at hindi ng buong programa.

May bashers din kasing nagtatanong sa klase ng suporta ng network sa mag-asawa at pamilya nito considering the fact na pareho at kapwa prized artists ng Kapuso network sina Dennis at Jennylyn.

Kapansin-pansin din ang pagtawag ng “laos” kay Gelli at pagbabansag ditong “gelli-fish” na gaya umano ni Patrick Star (starfish) ay “walang utak” mula sa sikat na cartoon series na Spongebob Square Pants.

Napaglalaruan na tuloy na baka daw soon ay rumesbak na din ang asawa ni Gelli na si Ariel, na umano’y mula naman sa angkan ng mga sirena, bilang kakambal marahil ng sikat na si Ariel the Mermaid, hahaha!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles