Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Taekwondo, Archery, Eala, nagdagdag ng medalya sa Asiad

Walang ginto tulad ng inaasahan ang tennis player na si Alexandra Eala sa Aichi-Nagoya Asian Games ngunit nakabawi sa ibang event ang Team Pilipinas nitong Huwebes.

Yumuko si Eala kay Xiyu Wang ng China, 6-3, 3-6, 2-6, sa women’s singles semifinals sa Nagoya City Hihashiyama Park Tennis Center.

Mag-uuwi si Eala ng bronze, tulad noong 2023 Hangzhou, China Games kung saan natalo siya sa semifinals sa Chinese din, ang naging gold medalist na si Qinwen Zheng.

Ang world No. 38 na si Wang at kababayan na si Shuai Zhang ang maglalaban para sa ginto ngayong Biyernes.

Tinalo ni Zhang si Yuliya Putintseva ng Kazakhstan, 6-4, 6-2, kung saan ang huli ay makakakuha rin ng bronze.

Samantala, lima na ang silver ng Pilipinas dahil sa beteranang archer na si Amaya Amparo Cojuangco at kay Juliana Mykhail Candelaria sa taekwondo.

Natalo si Cojuangco kay Nurisa Dian Ashrifah ng Indonesia, 137-139, sa women’s individual compound finals sa Okazaki Chuo Sogo Park Multipurpose Square sa Aichi Prefecture.

Huling nagkaroon ng archery medal mula kay Paul Marton Dela Cruz na may bronze noong 2014 South Korea.

Ang ikalimang silver medal ay mula kay Juliana Mykhail Candelaria sa women’s individual poomsae matapos siyang umiskor ng 9.1300 sa likod ni Haeun Jung (9.3100) ng South Korea, ang bansang pinagmulan ng taekwondo noong 1940s.

Bukod kay Eala, nag-ambag din ng bronze medal si Jeus Gabriel Derick Yape sa men’s poomsae.

Nagtala si Yape ng 9.0900 points sa likod ni South Korea gold medalist Kyusung Yun (9.3800) and Thailand silver medalist Navin Pinthasute (9.2800).

Ngayong Biyernes, sisikapin ng boksingerong si Carlo Paalam na dagdagan ang kasalukuyang tatlong ginto ng Pilipinas sa pagharap kay Rui Yamaguchi ng Japan sa men’s 55 kg finals.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles