Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tatlo, magbabalik para sa Elasto Painters

Sasalubungin ng Rain Or Shine ang pagbabalik ng tatlong manlalarong nagpagaling mula sa mga injury sa pagpapatuloy ng PBA Season 50 Governors’ Cup sa susunod na linggo.

Inaasahang muling isasama sa aktibong roster ng Elasto Painters sina Stanley Pringle, Felix Lemetti at Leonard Santillan, na maaaring makatulong sa kanilang hangaring makapasok sa top four bago ang quarterfinals.

Sumailalim sa operasyon si Pringle dahil sa punit sa right lateral meniscus, habang kagagaling lamang ni Lemetti mula sa partial ACL tear. Si Santillan naman ay nagtamo ng bali sa kanang kamay.

Gayunman, kapwa nakapaglaro na sina Pringle at Lemetti sa tune-up game ng Rain Or Shine kontra sa bumisitang Changwon LG Sakers at sa PBA On Tour sa Candon City, Ilocos Sur laban sa TNT noong Setyembre 26.

Nakapagtala si Pringle ng walong puntos sa 98-94 panalo kontra sa Tropang 5G.

Si Santillan na lamang ang hindi pa nakapaglalaro para sa koponan, bagama’t natanggal na ang cast sa kanyang napinsalang kamay.

“I’m practicing with the team now. I feel good, I feel ready to come back,” ani Lemetti.

“We’re working lateral movements, and just strengthening my quads. I feel good,” ani ng 39-anyos na si Pringle.

Dahil sa pagbabalik nina Pringle at Lemetti, muling naging matatag ang backcourt ng Rain Or Shine, lalo na matapos ang pag-alis ng guard na si Gian Mamuyac patungong Phoenix.

“We should have played the last game (August 9). But they cancelled it,” ani Pringle hinggil sa ipinagpalibang laro kontra Phoenix bago ang break ng season dahil sa masamang panahon.

Muling itinakda ang naturang laban sa Oktubre 23 sa Ynares Center sa Antipolo.

Susunod na maglalaro ang Rain Or Shine kontra Barangay Ginebra sa Oktubre 9 sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Leader ang Rain Or Shine sa Group B sa kartada 4-2 samantalang kulelat ang 2-4 ng Ginebra.

Ang laro sa Candon City Arena ang huli sa limang exhibition game ng On Tour habang nakabakasyon nang matagal ang season-ending Governors’ Cup dahil sa FIBA World Cup qualifiers at 20th Asian Games sa Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles