Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TV5, Humakot ng Parangal sa 29th KBP Golden Dove Awards 

Panalo ang Kapatid Network!

Humakot ng major recognitions ang TV5 at True FM sa 29th Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards na ginanap noong September 30, kung saan kinilala ang ilan sa pinakamahuhusay na broadcasters, programa, at creative campaigns sa bansa.

Isa sa pinakamalaking karangalan ng gabi ay napunta kay Cheryl Cosim of Frontline Pilipinas, na ginawaran bilang Ka Doroy Broadcaster of the Year.

Ang special recognition ay isang pagpupugay sa kanyang mahaba at makabuluhang kontribusyon sa Philippine broadcasting, pati na rin sa kanyang patuloy na commitment sacredible, responsible, at public service-driven journalism.

Isa pang malaking Kapatid win ang nakuha ni Korina Sanchez, na itinanghal na Best Public Service Host para sa kanyang trabaho sa Face to Face: Harapan.

Sa programa, patuloy na ginagamit ni Korina ang kanyang experience, pagiging diretso, at malasakit sa pagharap sa mga totoong kuwento, totoong problema, at totoong emosyon ng mga ordinaryong Pilipino.

TV5 shows at iba pang winners ng KBP Golden Dove, mula sa FB

Hindi rin nagpahuli ang True FM.

Ang Ted Failon at DJ Chacha sa True FM ay nakakuha ng dalawang parangal — Best Radio Magazine Program at Best Radio Public Affairs Program — patunay na puwedeng pagsamahin ang matinding usapan, relevant issues, matalinong commentary, at relatable na kuwentuhan sa iisang programa.

Samantala, kinilala naman ang Good Morning, Bayan bilang Best Radio Newscast, dagdag na patunay sa patuloy na paghahatid ng True FM ng mabilis, malinaw, at makabuluhang balita sa mga tagapakinig.

Sa TV naman, nagwagi ang Top 5 Mga Kwento Ni Marc Logan bilang Best TV Magazine Program, salamat sakakaibang timpla nito ng humor, puso, at very Pinoy storytelling.

Pati ang creative campaigns ng TV5 ay nakakuha rin ng spotlight.

Nagwagi ang network ng Best Station Promotion Materials Para sa 2025 Christmas Station ID nitong “Walang Patid ang Paskong Kapatid.”

Kinilala ng award ang creative at emotional storytelling ng campaign, na nagpaalala na kahit may distansya, pagbabago, at pagsubok, tuloy-tuloy pa rin ang koneksyon at samahan ng mga Pilipino.

Ang sunod-sunod na pagkilalang ito ay nagpapakita ng patuloy na momentum ng TV5 sa news, public affairs, entertainment, radio, at network campaigns.

Mula sa mga trusted broadcasters hanggang sa mga programang nagbibigay-serbisyo, saya, kuwento, at inspirasyon, patuloy ang TV5 sa paghahatid ng mas marami pang dahilan para tumutok ang mga Pilipino.

At marami pang dapat abangan.

Kaya tuloy lang ang suporta, saya, at kuwentong Kapatid — TARA SA TV5!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles