Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DepEd, iikutan PISA schools para mapanatili ang pag-angat sa edukasyon

Iikutan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralang lumahok sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025 para matukoy ang mga epektibong hakbang na nag-ambag sa pag-angat ng performance ng mga estudyanteng Pinoy.

Susuriin ng DepEd ang teaching strategies, school interventions at practices na puwedeng iangkop sa iba pang paaralan.

Kasunod ito ng PISA 2025 results kung saan tumaas ng 20 points ang reading score ng Pilipinas, 17 points sa science at 16 points sa mathematics kumpara noong 2022.

Mahigit 8,000 na 15-year-old learners mula sa 208 schools ang lumahok sa assessment.

Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng school visits kasunod ng pagkilala sa participating schools, learners, teachers at education partners.

Titingnan din ng DepEd ang naging suporta ng school heads, parents, communities at local governments.

“Natulungan nilang matiyak na handa ang ating mga paaralan at mag-aaral para sa assessment at sana maging tuloy-tuloy itong suporta sa edukasyon ng ating mga LGUs,” ani Angara.

Kabilang sa naging tulong ng LGUs ang standby generators, medical personnel at iba pang suporta sa learners habang isinasagawa ang assessment.

Target ng DepEd na magamit ang mga natutunan sa PISA schools para suportahan ang learning recovery at mapahusay ang reading, mathematics at science skills ng mas maraming estudyante.

Para sa kagawaran, ang susunod na hamon ay mapanatili ang naitalang pag-angat at mapalawak sa ibang classrooms ang mga paraang napatunayang epektibo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles