Kinagiliwan ng mga supporters ng GGV show ni Vice Ganda sa GMA 7 last Sunday ang guesting ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde.
Ibinahagi ng mag-asawa ang naging journey nila bilang mag-asawa at mga plano nila sa mga susunod na panahon.
Anila, noong pandemic sila nagpakasal kahit via zoom lang dahil kapwa nila napag-desisyunang magsama sa iisang bahay ng may basbas ng kasal, kahit civil lang.
“We’re both panganay sa aming pamilya and during pandemic after ng halos seven years namin bilang bf-gf, we really wanted to show our respective families how important getting into family life is,” saad ni TJ na na nagkuwento pang hiningi nila ang permiso ng mga magulang at kapamilya nila bago nila ginawa ang desisyong pagpapakasal.
Dala daw ng mga uncertainties noong mga time na yun kontra sa mga totoo nilang nararamdaman, nakuha naman nila ang approval and blessing ng families nila na kahit sa zoom nga idinaos ang kasal ay nagsuot pa rin ng mga pormal na damit pangkasal to witness the ceremony.
Sa kuwento ng dalawa, marami ang naaliw sa kung paanong na-break ang ice sa isyu ng first night nila lalo’t certified “virgin” bride pala si KZ base na rin sa kanilang personal choices pagdating sa pre-marital relationship.
Kapwa laking probinsya sina TJ at KZ kaya’t kinagiliwan ng mga manonood at mga fans nila ang magandang tradisyon na kanilang bitbit at taglay na kahit sikat na sikat sila bilang mga musicians ay hindi pa rin ito nabago.
Very honest din si KZ sa pag-reveal na hindi pa siya ready na maging nanay dahil aniya, “gusto kong maging handang-handa para sa mga magiging anak namin. Hindi pa ako ready na maging mom hindi dahil may mga nais pa akong gawin at mangyari sa personal kong buhay but I really believe na mangyayari yun dahil handa na ako at deserve ko ng maging isang ina. But if the great God has other plans, tatanggapin ko ito.”
Nirespeto naman ito ni TJ at sinabing handa siyang suportahan ang asawa.
Sey nito, “being husband and wife is also a family. It has to be both of us that need to agree and decide. Kung kailan siya ready, yun din ako.”
Lumabas din ang pagka-kengkoy at kikay ng mag-asawa na game na game ikinuwento ang ilang mga personal na nangyayari sa kanila sa mga usaping habits at moods sa loob ng bahay nila.
May mga ipinarinig ding mga ginawang songs si TJ para kay KZ at sa magiging anak nila na gusto nga daw niyang “babae” bilang gusto niyang maging isang “daddy girl.” If ever nga daw in the future ay mabibiyayaan sila ng anak, ready na ang name na “Aurora,” para dito.


