Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Plane fare, sirit na naman! Mas mahal na airline tickets, asahan mula October 1-15

Dagdag-gastos sa mga biyahero simula October 1 hanggang 15 matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 15 ang passenger at cargo fuel surcharge para sa domestic at international flights.

Mas mataas ito sa Level 14 na ipinatupad mula September 16 hanggang 30.

Sa Level 15, pinapayagang maningil ang airlines ng P491 hanggang P1,436 na fuel surcharge sa domestic flights, depende sa layo ng biyahe. Sa international flights, nasa P1,621.42 hanggang P12,056 ang singil depende sa destinasyon. 

Hindi awtomatikong idinadagdag ang maximum surcharge sa lahat ng ticket. Kailangang mag-apply sa CAB ang airlines na gustong maningil nito, at hindi puwedeng lumampas sa itinakdang Level 15 rates. 

Hiwalay ang fuel surcharge sa basic airfare. Kinokolekta ito ng airlines para mabawi ang dagdag na gastos mula sa pagtaas at pabago-bagong presyo ng aviation fuel. 

Kaya hindi rin nangangahulugan na lahat ng flights na aalis mula October 1 hanggang 15 ay sakop agad ng bagong rate. Ang CAB advisory ay nakatuon sa fuel surcharge na ipinapataw sa itinakdang effectivity period.

Gumagamit ngayon ang CAB ng 15-day price monitoring at implementation cycle sa halip na dating one-month cycle dahil sa matinding volatility ng fuel prices. Layunin nitong mapabilis ang adjustment kapag tumataas ang fuel cost at mapabilis din ang pagbaba ng surcharge kapag humuhupa ang presyo. 

Interim at temporary measure ang 15-day system at mananatili habang hindi pa stable ang fuel market o hangga’t hindi ito binabago o binabawi ng CAB.

Ibig sabihin, para sa mga bibili ng domestic o international plane ticket sa unang kalahati ng October, mas mataas na fuel surcharge ang dapat bantayan bukod pa sa base fare at iba pang applicable charges. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles