Dismayado ang mga organizer ng Asian Games sa bentahan ng mga tiket matapos makita ang mga bakanteng upuan sa iba’t ibang venue sa Nagoya, Japan.
Ang 100-meter sprints ay kabilang sa mga tampok na event sa anumang Games, ngunit ang Mizuho Park Athletic Stadium na may kapasidad na 30,000 katao ay tila 1/4 lamang ang laman noong Biyernes ng gabi para sa mga pangunahing event.
Kahit ang posibilidad na makakuha ng gold sa women’s pole vault si Misaki Morota ay hindi nakahikayat ng maraming lokal na manonood.
Tuluyang naka-ginto si Misaki na tumalon ng 4.55 metro para sa bagong national record.
Ayon sa Aichi-Nagoya Games Organizing Committee (Ainagoc), wala pang 60 porsyento ng mga tiket para sa walong sports, kabilang ang soccer, ang nabili. Gayundin para sa closing ceremony sa Oktubre 4 sa Athletic Stadium pa rin.
“We are not satisfied,” ani Satoshi Murate, secretary general ng Games organizing committee, sa ulat ng Japan Times.
“We will keep aiming for full stadiums, keep selling tickets and work to make sure people who have secured seats actually come.”
Sinabi niyang mahigit 90 porsyento ng mga tiket ang nabenta para sa opening ceremony noong Setyembre 19 sa Paloma Mizuho Stadium sa Nagoya.
“Overall, I think sales are strong. But it has been pointed out that there are noticeable empty seats at some competitions. There are several reasons. First, some sessions include several matches in one day. Everyone focuses on the headline match,” dagdag nya.
Sinabi niyang ang mga tiket na ipinamigay sa mga stakeholder ng Games, gaya ng mga sponsor, ay hindi palaging nagagamit.
“Seats have been allocated, but some people can’t come. As a result, some competitions do have noticeable empty seats, and we find that regrettable,” paliwanag nya.
Humingi rin ng paumanhin si Murate para sa mga kalituhan sa accommodation at transportasyon.
Ilang koponan ang bumatikos sa mga organizer, kung saan itinulad ito ng Thailand sa isang “chaotic” na laro ng “musical chairs,” habang sinabi naman ng South Korea na “they deserve a failing grade.”
Ang pinakamalaking problema ay ang kakulangan ng mga kuwarto para sa 17,000 kalahok, isang problemang pinalala ng mga pagkaantala sa mga paliparan at ilang oras na paghihintay upang makasakay sa isang cruise ship na nagsisilbing floating hotel.
Walang itinayong tradisyonal na athletes’ village upang makatipid sa gastos.
Sa halip, nananatili ang mga koponan sa mga pansamantalang container-style hut, hotel at sa Costa Serena cruise ship.
“There have been mistakes in accommodation and transport, for various reasons,” pag-amin ni Murate. “Whatever the cause, Ainagoc is responsible for providing the service and I sincerely apologize for the mistakes. Our staff work every day to identify the causes of each mistake and make sure they don’t happen again.”
Ngunit tuloy naman ang paghakot ng medalya ng host, kabilang ang 11-anyos na esports prodigy na si Yuki Kurihara, ang pinakabatang atleta sa kasaysayan ng Asian Games ng Japan.
Sinabi pa ni Kurihara na nahiya sya matapos talunin ang mas matatandang kalahok sa Puyo Puyo Champions final, 10-2.
Ang Puyo Puyo Champions ay isang puzzle game kung saan sinusubukan ng mga manlalaro na alisin ang mga colored blob sa kanilang screen sa pamamagitan ng pag-aayos sa mga ito at pagpapasabog sa mga ito.
Nanalo rin ang mga skateboarder na sina Mizuho Hasegawa at Izuru Nagahara, parehong 15 taong gulang, sa women’s at men’s park events.
Sa artistic gymnastics, naging unang Japanese na nanalo ng gold sa women’s floor exercise si Aiko Sugihara. Nakuha rin niya ang women’s all-around gold.
Sa men’s foil fencing team final, tinalo ng Japan ang Hong Kong at nakuha ang unang titulo nito sa loob ng tatlong tournaments.
Sa women’s 3×3 basketball final, tinalo ng Japan ang Pilipinas, 21-11, upang makuha ang unang gold medal nito.


