Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vhong Navarro, walang komento sa balitang paglaya ni Deniece Cornejo

Ipinauubaya ni Vhong Navarro sa kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga ang pagbibigay reaksyon sa balitang makakalaya na ang modelong si Deniece Cornejo, pati na rin si Cedric Lee.

Matatandaang isa si Deniece sa kinasuhan ng aktor-host ng serious illegal detention at grave coercion noong 2014, kasama ang negosyanteng si Cedric :Lee at mga kasangkot sa nooý ginawa nilang pambubugbog, paghingi ng ransom o pag-extort ng pera at pag-detain kay Vhong.

Cedric Lee at Deniece Cornejo, makakalaya na pero i-aapela ng kampo ni Navarro… kuha sa FB

Sinampahan naman ng kasong “rape” ni Cornejo si Navarro subalit agad nga din itong nadismiss dahil sa kakulangan ng ebedensya kaya’t ang mga kaso ng aktor laban sa kina Cornejo, Lee at iba ang nag-prosper.

At nitong ngang nakaraang araw ay lumabas ang balitang matapos ang 440 days of  Good Conduct Time Allowance (GCTA ) at 75 days of Time Allowance for Study, Teaching and Mentoring (TASTM), ay nabuno na ni Cornejo ang itinakda ng batas na three years, nine months and 24 days of credited time served.

Sa kabilang dako, si Lee naman ay nakapag-serve na ng 460 days of Good Conduct Time Allowance (GCTA), bringing his credited time served to three years, 10 months and 29 days.

Subalit ayon nga sa abogado ni Navarro ay i-aapela nila ito sa Court of Appeals na siyang nagtakda ng nasabing “balitang pagpapalaya”  kina Cornejo at Lee.

“Through all these years, Mr. Vhong Navarro chose to keep  faith with the justice system in place in our country… In keeping with that faith, he will continue to pursue all the remedies that are available to him,” pahayag ni Atty. Alma Mallonga.

Dagdag pa niya,  “Mr. Navarro shall continue to trust in the process and abide by whatever that requires.”

Ang Bureau of Corrections (BuCor) naman ay nagpahayag na biniberika pa nila ang naturang court orders bago tuluyang palayain sina Lee at Cornejo, na kapwa may pinagbabayaran pang sentensya kaugnay ng hiwalay na kasong grave coercion.

May halong lungkot naman ang balita sa kaanak ni Cornejo partikular sa kanyang lolong si Rod Cornejo, na sa simula ng laban ng apo ay nakasuporta at nakatutok na.

Ayon sa lolo ng dating model-actress, para daw silang binuhusan ng malamig na tubig matapos nilang malaman na hindi pa pala tuluyang makalalaya ang apo dahil may mga teknikalidad pa sa batas na dapat ayusin.

Subalit ayon sa dating media practitioner, “I forgive Vhong, his allies” at lahat daw ng mga nakasakit sa kanyang apo.

Wala ngang anumang pahayag na binitawan o sinabi sa Navarro hinggil sa balita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles