Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tolentino, Team Sibol dinagdagan ang bronze ng Pinas sa Asiad

Nagdagdag ang Team Philippines ng dalawa pang bronze medal sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan nitong Linggo mula kina John Cabang Tolentino ng athletics at Team Sibol ng esports.

Sa men’s 110-meter hurdles, nagtala si Tolentino ng 13.48 segundo, kasunod nina Chen Yuanjiang ng China (13.15) at Rachid Muratake ng Japan (13.29).

Kapwa bronze medalist ang Pilipinas at South Korea sa Pokémon Unite. Tinalo ng Japan ang Indonesia para sag into.

Sinimulan ng Team Sibol ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng DNS (Did Not Start), kasama ang Kazakhstan, dahil sa paglabag na may kaugnayan sa uniporme.

Gayunman, nakabawi ito kontra Chinese Taipei, 2-0; Malaysia, 2-0; at Hong Kong sa quarterfinals, 2-0, upang masiguro ang bronze medal.

Natalo ito sa Indonesia sa semifinals, 0-2, na ginanap sa Aichi Sky Expo.

Binubuo ang koponan nina Kim Rey Salazar, Robert Jon Mempin, Michael Vaughn Ocio, Lance David, Ducke Harnold Leoncio at Lawrence Anthony Gatmaitan, sa ilalim ng head coach na si Albert Camp.

Nauna rito, umabante sa men’s long jump final ang beteranong si Janry Ubas.

Naitala ng 2023 Cambodia Southeast Asian Games gold medalist ang 7.59 metro sa kanyang ikalawang pagtatangka sa Mizuho Park Stadium, na naglagay sa kanya sa ikawalong puwesto sa kabuuang 12 finalists.

“Gusto ko talaga maka-produce ng medalya kasi pang-third time ko na ito. Next time, 36 or 37 na ako,” ani Ubas.

Sa 2023 Hangzhou Games, ikatlo si Ubas sa qualification round, ngunit nagtapos sa ikapitong puwesto sa finals.

May kabuuang 2-2-8 gold-silver-bronze tally ang Pilipinas samantalang Thailand pa rin ang nangungunang koponan mula sa Southeast Asia (9-7-10).

Nanatiling leader ang China (118-48-38), sinundan ng Japan (37-60-57) at South Korea (20-23-29).

Ang iba pang mga Pilipinong una nang naka-medalya ay sina Carlos Yulo ng gymnastics (2 gold); Jean Claude Saclag ng mixed martial arts at women’s 3×3 basketball (silver); at ang women’s soft tennis team, Carlos Alvarez ng mixed martial arts, Karl Eldrew Yulo ng gymnastics, Albert Ian Delos Santos ng weightlifting, at Marie June Adriano at women’s kata team ng karate (bronze).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles