Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

El Niño ‘dashboard’ itinulak; pinsala sa bukid babantayan

Hindi dapat hintaying matuyo ang bukid bago kumilos ang gobyerno laban sa El Niño.

Ito ang iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes, September 28, kasabay ng panukalang gumawa ng public El Niño dashboard para mabantayan ng farmers, fisherfolk at local governments ang drought risks, water supply, pinsala sa produksyon at ayuda ng gobyerno.

“May babala na tayo. Dapat ngayon pa lang naghahanda na tayo, hindi kung kelan tuyo na ang bukid at wala nang mahuling isda saka tayo kikilos,” ani Pangilinan.

Target ng dashboard na regular na ilabas ang kondisyon ng irrigation systems, mga apektadong sakahan at komunidad, naipamahaging tulong, at naitalang production at income losses.

Kasunod ang panukala sa September 23 advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagsabing aktibo ang strong El Niño at posibleng lumakas pa sa September hanggang December period at magpatuloy sa unang kalahati ng 2027.

Nagpapataas ang El Niño ng posibilidad ng below-normal rainfall, dry spells at drought sa ilang lugar.

Bukod sa dashboard, nais ni Pangilinan ng province-by-province preparedness plans na tutukoy sa mga lugar na nanganganib, available irrigation water, mga naitanim nang pananim at fishing at aquaculture communities na mangangailangan ng tulong.

Dapat malinaw din kung aling government offices ang kikilos at anong tulong ang maibibigay bago pa lumaki ang pinsala.

“Hindi natin kayang pigilan ang El Niño pero kaya nating bawasan ang epekto nito sa ating mga magsasaka, mangingisda, at mamimili,” sabi niya.

Itinulak din ni Pangilinan ang mas mabilis na repair at rehabilitation ng irrigation systems sa drought-prone areas, maagang pamamahagi ng drought-tolerant seeds at farm inputs, at pagtukoy sa alternative water sources.

Para sa mga tatamaan, nais niyang ihanda ang mabilis na crop-loss assessment, abot-kayang credit, insurance at recovery assistance para hindi mapilitang lumapit sa loan sharks ang farmers at fisherfolk kapag nawalan ng kita.

Hiniling din niya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na bantayan ang fishing grounds, inland waters at coastal areas na posibleng tamaan ng matagal na init at pagbabago sa kondisyon ng tubig.

Suportado rin ni Pangilinan ang muling pagbuhay sa Presidential Task Force on El Niño at posibleng Senate oversight hearing para suriin ang paghahanda ng gobyerno.

“Kapag pinabayaan natin ang ating mga food producers, sapul na naman ang presyo at supply ng pagkain,” babala niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles