Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Operasyon ng 3 illegal investment schemes, pinatigil ng SEC

Tigil-operasyon ang ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa tatlong investment schemes na umano’y nangangalap ng pera sa publiko nang walang kaukulang registration o lisensiya.

Sakop ng cease-and-desist orders ang G’s Kicks Billard Hall, NShop, M&N Online Shop at NFunds, at AI Quest Trading.

Pinangalanan din ang kani-kanilang representatives na sina Gabriel Fernandez Vasallo, Nathalie Jean Bersamina at Erica Aguilar.

Iniutos ng Enforcement and Investor Protection Department ng SEC sa mga grupo, kanilang representatives at sinumang kumikilos para sa kanila na agad ihinto ang pagbebenta o pag-aalok ng unregistered securities.

Kailangan din nilang alisin ang kanilang online presence na konektado sa investment schemes.

Ayon sa SEC, wala sa tatlong entities ang rehistrado bilang corporation o partnership kaya wala silang awtoridad na magbenta o mag-alok ng securities sa publiko.

Sa G’s Kicks, social media umano ang ginamit para makahikayat ng investors. Inaalok ang sinasabing risk-free returns na 8 hanggang 10 porsiyento sa loob lamang ng 30 araw, kasama ang pangakong mabilis na withdrawals.

Patuloy naman umanong nangalap ng investments ang NShop at kaugnay nitong operations kahit naglabas na ang SEC ng advisory laban sa mga ito noong June.

Nangako umano si Bersamina ng mataas na returns mula sa sinasabing business activities. Nagpatakbo rin umano siya ng unregistered lending services.

Mas mataas naman ang ipinapangakong balik sa AI Quest Trading.

Inaanyayahan nito ang publiko na mamuhunan sa sinasabing AI-assisted stock trading sa pamamagitan ng tatlong investment plans. Nagsisimula ang halaga sa P500 at umaabot hanggang P1 milyon.

Ayon sa SEC findings, nag-aalok ang scheme ng returns na aabot sa 30 porsiyento sa loob ng pitong araw at hanggang 150 porsiyento sa loob ng 30 araw.

Sa cease-and-desist orders, pinatitigil agad ng SEC ang investment solicitation at online activities na konektado sa tatlong schemes. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles