Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jennylyn Mercado-Dennis Trillo, pinag-isip ang netizen sa wedding photos

Nagulantang ang mga fans at supporters ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa nag-viral na FB post ni Jen na nakasuot silang dalawa ng pang-kasal at nasa loob ng isang simbahan.

Sa caption nitong, “before we share the whole story, here’s a glimpse (heart emoji), ”  bonggang-bongga nag-isip ang mga followers nila kung natuloy na daw ba ang kanilang pinapangarap na church wedding?

Nagpakasal ang dalawa noong November 2021 sa isang civil rites at simula noon ay naging maayos ang pagsasama ng dalawa kasama ang kanilang mga anak sa mga nauna nilang naging relasyon.

Isa din ang showbiz couple sa mga hinahangaan ng marami dahil sa napakagandang “blended family” nila kung saan kapag may mga importanteng okasyon ay iniimbita nila ang mga magulang ng kanilang mga anak sa previous relationship nila.

Nagkaroon ng isang anak na babae ang pagsasama nina Jen at Dennis, habang mayroon din silang tig-isang anak mula sa ibang naka-relasyon nila noon at kasama nila sa kanilang bahay.

Although marami ang naniniwalang para sa isang project nila o ginawang project ang naturang wedding photos na pinag-uusapan ngayon.

“Siyempre masaya kami kung totoong tinupad na nila ang dream church wedding nila, pero halata namang promo gimik lang ang photos,” sey ng netizen.

May ilang nam-bash din at sinabing umabot na daw ang dalawa sa ganung paraan ng pag-promote dahil siguro daw sa hindi na nag-ri-rate ang mga shows nila?

Pero sa kabuuan, maraming napasaya ang mag-asawa lalo’t genuinely daw ay mababanaag sa kanilang mga awra at ngiti ang kasiyahan na para daw na ikinasal sila ng totoo sa simbahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles