Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Carlos Yulo, handog ang unang Asiad gold ng Pilipinas

Inihandog ni Carlos Edriel Yulo ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Aichi-Nagoya 2026 Asian Games nitong Huwebes.

Tinupad ni Yulo ang kanyang pangakong bibigyang-prayoridad ang artistry at elegance sa kabila ng matinding pressure matapos magpakitang-gilas sa men’s gymnastics floor exercise final sa Nagoya General Gymnasium.

Nagtala ang 26-anyos na si Yulo ng 14.666 puntos, mula sa 5.7 difficulty at 8.966 execution.

Bahagya niyang nalampasan si Milad Karimi ng Kazakhstan, na nasungkit ang silver medal matapos magtala ng 14.600 puntos.

Ang pambato ng host nation na si Shoma Tsukiyama ng Japan ay nakakuha ng bronze medal sa 14.566.

Nagtapos sa ikaapat na puwesto si Ryu Sunghyun ng South Korea (14.366), habang ika-anim naman si Daiki Hashimoto ng Japan (13.500).

Ang nakababatang kapatid ni Yulo na si Karl Jahrel Eldrew ay nagtapos sa kanyang Asian Games debut sa ikapitong puwesto matapos magtala ng 12.233 puntos.

Lalahok pa sina Carlos at Juan Miguel Besasa sa vault finals; si Carlos sa parallel bars; at si Karl sa horizontal bar.

Sa talaan ng 11:30 p.m., nangunguna pa rin ang China sa medal tally na may 80 gold, 30 silver at 20 bronze.

Malayo sa ikalawang puwesto ang Japan na may 20-34-37, kasunod ang South Korea (10-12-28), Kazakhstan (8-8-9), Uzbekistan (6-12-8) at ang nangungunang Southeast Asian team na Thailand (5-4-7).

Mayroon din isang silver medal ang Pilipinas mula kay Jean Claude Saclag sa mixed martial arts at apat na bronze medal mula sa women’s soft tennis team, kay Carlos Alvarez sa mixed martial arts, at kina Marie June Adriano at women’s kata team sa karate.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles